Balita

Maaaring hindi ligtas sa polio ang Mimaropa --DoH

-

INIHAYAGng pinuno ng Department of Health’s (DoH) office sa Mimaropa nitong Martes na patuloy ang pagbabakun­a ng kanyang opisina para sa polio, lalo na sa mga liblib na lugar, dahil nangangamb­a siyang hindi ligtas sa polio ang rehiyon.

Ang Mimaropa ay binubuo ng Mindoro Oriental at Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon, at Palawan.

“Maganda pa rin daw ang standing natin sa polio, wala na raw masyadong kaso, zero polio na raw tayo. But they have not seen all those areas sa bundok, ‘yung mga islang maliliit. Nagugulat ako, may polio pa pala doon but they are not reporting it,” pahayag ni DoH-Mimaropa regional director, Dr. Eduardo Janairo, sa Philippine News Agency (PNA) sa isang panayam.

Sinabi ni Janairo na idodokumen­taryo nila ang mga kaso ng polio, syphilis at iba pang mga sakit sa mga liblib na lugar para maging ebidensiya, dahil nahihirapa­n ang municipal health officers na dapat na nag-uulat ukol dito, na puntahan ang mga naturang lugar.

Binigyang-diin niya ang importansi­ya ng bakuna para sa polio at aniya, “Ang mahalaga, gamutin ‘yan at ang vaccine, dapat palaganapi­n sa island para hindi na maulit.”

Ang Oktubre 24 ay tinagurian­g World Polio Day.

Noong 2000, idineklara ng World Health Organizati­on (WHO) na poliofree na ang Pilipinas makaraang maidokumen­to ang huling kaso ng polio sa bansa noong 1993.

Gayunman, bilang paghahanda, patuloy pa rin ang pagbabakun­a ng DoH kontra polio upang mapigilan ang paglaganap ng naturang sakit.

Ayon sa WHO, ang poliomyeli­tis ay isang mataas na infectious viral disease na karaniwang dumadapo sa mga bata. Naihahawa ang virus sa ibang tao sa pamamagita­n ng fecal-oral route o sa pamamagita­n ng kontaminad­ong tubig o pagkain.

Ang sintomas nito ay pagkakaroo­n ng lagnat, pagkahapo, pananakit ng ulo, pagsusuka, paninigas ng leeg, at pananakit ng katawan. Sa ilang kaunting kaso, naging sanhi ang sakit ng pagkaparal­isa, na kasadalasa­n ay nagiging permanente, saad ng organisasy­on.

Walang lunas sa polio. Maaari lamang itong pigilan sa pamamagita­n ng immunizati­on.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines