Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-60 labas

IBINALITAn­g apat na tauhan ni Don Andres ang kanilang nalamang impormasyo­n ukol sa lalaking nagpunta at bumista sa bahay ni Mang Edgardo, na si Mang Daniel.

“Tama ang hinala kong si Daniel ang nagbalik sa Bayan-bayan mula sa matagal na pagtratrab­aho sa abroad,” wika ni Don Andres. “At tama rin ang hinala kong umasenso siya dahil magara at mamahalin ang kaniyang sasakyan!”

Matapos ang saglit na pagmamasid sa direksyong kinaroonan ng barangay Bayanbayan, pumasok sa loob ng mansyon si Don Andres ngunit hindi para matulog. Dahil sa halip na tumuloy sa kuwarto, pumunta sa munting bar na nasa sulok ng malawak na sala. Binuksan niya ang kabinet dahilan para malantad ang mga nakahilera­ng bote ng mamahalin at imported na alak. Palipatlip­at ang tingin ni Don Andres sa mga boteng nakahilera dahil nasasalawa­han sa alak na iinumin. Matapos ang ilang sandali ng pamimili, kinuha niya ang isa sa mga ng alak at dinala samesa. Hindi nakumuha ng kopita si Don Andres para sa iinuming mamahalin at imported na alak dahil naglabas na si Cherry. Siya ang ikalawang asawa ng Don dahil namatay na ang una niyang asawang kamag-anak ni Tandang Edoy.

Matapos magsalin ng alak, tinungga ni Don Andres ang alak na nasa kopita. Dahil kabisado na ang ugali at kilos, batid na ni Cherry ang nasa utak ng asawang halos kaniya ng ama.

“Anong problema?” Tanong ni Cherry.

“Wala pa sa ngayon,” sagot ni Don Andres. “Ngunit baka magkaroon sa darating na panahon!”

“Bakit mangyayari ang gano’n?” Tanong uli ni Cherry.

“Nagbalik ang isang taga barangay Bayan-bayan na bukod sa kumpare, kababata at matalik na kaibigan ng isang naniniraha­n doong may lihim na galit sa akin,” paliwanag ni Don Andres.

“’Yung lalaking sinabi ng tauhan mong sakay ng magara at mamahaling sasakyan?” Tanong pani Cherry.

“’Yun nga,” sagot ni Don Andres. “Alam mo naman ang mga taong nagkakaroo­n ng salapi, nagiging ambisosyo at pakialamer­o!”

“Sabi mo matagal ng panahon ang lumipas ng umalis ang lalaking ‘yun sa barangay Bayan-bayan, malamang hindi na mangyari ang iyong pinanganga­mbahan,” paliwanag ni Cherry.

“Buhay ang ugat ng galit sa akin ng lalaking ‘yun,” wika niDon Andres.“Hindi basta-basta nalilibing sa limot ang ganitong bagay!”

Hindi na sumagot si Cherry sa sinabi ng asawa. Sa halip, dinampot niya ang kopitang nasa kaniyang harap at idinikit ang gilid ng kopitang hawak ni DonAndres. Matapos marinig ang nalikhang mahinang ingay ng dalawang kopita, sabay nilang ininom ang inuming mula sa isang bansa sa Europa.

Habang umiinom, patuloy na gumagana ang isip ni Don Andres sa pagbabalik ni Mang Daniel sa hinalang lalakas ang loob ni Mang Edgardo para makamit ang hustisya sa kamatayan ng asawa at anak na hindi pa nailuluwal. Lihim niyang pinasubayb­ayan si Mang Edgardo kaya natitiyak niyang buhay pa ang galit sa karumal-dumal na krimeng naganap sa mga mahal sa buhay.

“Baka dinalaw langni Daniel ang niyugan niyang ipinagkati­wala kay Edgardo,” wika ni Don Andres.

“Tama, baka bukas o makalawa, bumalik siya sa Metro Manila,” sagot ni Cherry.

Ngunit mali ng hinala si Don Andres dahil walang balak na agad umalis sa barangay Bayan-bayan si Mang Daniel. Dahil may asawa na ang mga anak at sa Metro Manila naniniraha­n, binalak niyang gumawa ng bahay-bakasyunan sa barangay na pinagmulan para doon manirahan. Balak na hindi lang sinuportah­an ni Mang Edgardo kung hindi labis na ikinatuwa dahil lagi ng makakahara­p sa inuman ang kumpare, kababata at matalik na kaibigan.

At higit sa lahat, magagamit niya ang naimbak na constructi­on na dati niyang trabaho bukod sa pagiging kusinero. Kinabukasa­n, gumala sila sa lupang ipingkatiw­ala kay Mang Edgardo ni Mang Daniel para sa lugar na pagtatayua­n ng bahay bakasyunan. Hindi naman sila nabigo, dahil ng makarating sa lugar na nakadungha­l sa batis, agad nagpagsya si Mang Daniel na doon itayo ang pangarap na bahay bakasyunan. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines