Balita

Paragua, wagi sa Washington Chess Congress

- Gilbert Espeña

HINDI man naiuwi ang titulo, nagkasya naman si Filipino Grandmaste­r Mark Paragua sa premyong $ 1,000 matapos manguna sa Mixed Doubles category kasama ang katambal na Amerikanon­g player na si Rachana Bhanuprasa­d.

Ang tubong- Bulacan na si Paragua ay nakalikom ng 4.5 puntos sa Open section habang nakapag- ambag naman si Bhanuprasa­d ng 5.5 puntos sa Under 1300 section sa katatapos na 4th Annual Washington Chess Congress nitong Oktubre 6- 9, 2017, na ginanap sa Hilton Crystal City sa Arlington, Virginia, sa United States.

Nagkampeon si Iranian GM Elshan Moradiabad­i sa Open section na may 6.0 puntos tungo sa champion’s purse na $3,100. Magkasalo naman sa ika- 2 hanggang ika-4 na puwesto sina GM Timur Gareyev, GM Denis Kadric at IM Praveen Balakrishn­an na may natipong tig-5.5 puntos para tumanggap ng tig-$933.34.

Tampok naman ang pamamayagp­ag ni solo 5th placer Liran Zhou matapos makaipon ng 5.0 puntos para mahablot ang top under 2300 award at maiuwi ang $1,400.

Overall, tumapos ng ika- 6 hanggang ika-10 puwesto sa Open section si Paragua kasama sina FM Jennifer R Yu, FM Akshita Gorti, Andy Huang at Jeffrey L Quirke.

Sa panig naman ni Bhanuprasa­d, nasa ika- 2 hanggang ika-4 na puwesto siya sa Under 1300 section kasama sina Anish M Mariappan at Pracheth Godlaveti.

Si John Sandberg ang nagkampeon naman sa Under 1300 matapos makalikom ng 6.0 na puntos tungo sa top prize $1,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines