Balita

Curry Time sa Oracle

-

OAKLAND, California (AP) — Naisalpak ni Stephen Curry ang goahead 3-pointer may 31.9 segundo sa laro para sandigan ang Golden State Warriors sa 117-112 panalo kontra Toronto Raptors nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Oracle Arena.

Kumubra ang two-time NBA champion ng 30 puntos, habang kumana si Kevin Durant ng 29 puntos, kabilang ang three-pointer may 1:02 ang nalalabi para maitabla ang iskor sa 112. Mula sa assist ni Durant ang game-winning shot ni Curry.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 22 puntos, tampok ang apat na threepoint­er, habang humirit si Draymond Green ng 11 rebounds, anim na assists at dalawang steals.

Nanguna si DeMar DeRozan sa Raptors sa natipang 24 puntos.

NETS 112, CAVS 107

Sa New York, nalambat ng Brooklyn Nets si Lebron James at ang Cleveland Cavaliers, matapos maisalpak ni Spencer Dinwiddie ang go-ahead 3-pointer may 43 segundo ang nalalabi.

Nabalewala ang 29 puntos, 13 assists at 10 rebounds ni James – ika-56 triple-double – bunsod nang mintis na free throw sa huling 7.6 segundo.

Nanguna si Dinwiddie sa Nets sa naiskor na 22 puntos, habang humugot sina Rondae HollisJeff­erson at Allen Crabbe ng tig-19 puntos.

THUNDER 114, PACERS 96

Sa Oklahoma City, nagbunyi ang home crowd sa panalo ng Thunder kontra sa Indiana Pacers.

Nalimitaha­n si Thunder guard Paul George ng dating katropa sa 10 puntos, ngunit hindi nila napigilan ang reigning MVP na si Russell Westbrook na nagtumpok ng ikalawang triple-double ngayong season – 28 puntos, 16 assists at 10 rebounds.

Naitrade ng Pacers si George sa Oklahoma bunsod nang pahayag ng All-Star sa pagnanais na mapabilang sa champion team.

Kumana naman si Carmelo Anthony ng 28 puntos at 10 rebounds, habang may 17 puntos at 11 rebounds si Steven Adams.

Kapwa naman starter sina Victor Oladipo at Domantas Sabonis, ipinamigay ng Oklahoma City sa Indiana bilang bahagi ng trade deal ni George. Hataw si Oladipo sa naisalansa­n na 35 puntos.

SUNS 97, JAZZ 88

Sa Phoenix, naitala ng Suns ang ikalawang sunod na panalo mula nang sibakin ang head coach na si Earl Watson, nang gapiin ang Utah Jazz.

Nadomina ng Suns ang Jazz, galing sa kabiguan kontra Los Angeles Clippers, tangan ang 17 puntos sa first half at 18 puntos sa second.

Sa iba pang laro, naungusan ng Los Angeles Lakers ang Washington Wizards sa overtime, 102- 99; pinatahimi­k ng Detroit Pistons ang Minnesota Timberwolv­es, 122-101; nakabutas ang Dallas Mavericks matapos ang apat na laro kontra sa Memphis Grizzlies, 103- 94; ginapi ng San Antonio Spurs ang Miami Heat, 117-100; naungusan ng Houston Rockets ang 105-104.

 ?? CURRY: ?? Isa na namang krusyal basket para sa panalo ng Warriors. AP
CURRY: Isa na namang krusyal basket para sa panalo ng Warriors. AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines