Balita

Batang Baste at Bombers sa ‘do-or-die’

Mga Laro Ngayon (MOA Arena) 11 n.u. -- San Beda vs CSB-LSGH (jrs) 1 n.h. -- Mapua vs Letran (jrs) 3:30 n.h. -- San Sebastian vs JRU (srs)

- Marivic Awitan

MAKAMIT ang karapatang harapin ang defending champion San Beda College para sa pagkakatao­ng makaduwelo ang Lyceum of the Philippine­s University sa best-of-3 finals series ang pag-aagawan ng 4th seed San Sebastian College at third seed Jose Rizal University sa simula ng stepladder semifinals ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa MOA Arena.

Magtutungg­ali ang season host Stags at ang Heavy Bombers ganap na 3:30 ng hapon pagkatapos ng unang dalawang laban sa Final Four round ng juniors division na magsisimul­a ng 11:00 ng umaga sa pagitan ng topseed at twice-to-beat San Beda Red Cubs at 4th seed CSB-La Salle Greenhills na susundan ng tapatan ng second seed at defending champion Mapua at third seed Letran ganap na 1:00 ng hapon .

Matagal na napahinga dahil kinailanga­ng hintayin kung sino ang magiging huling semifinali­sts, kumpiyansa pa rin ang Heavy Bombers sa kanilang naging preparasyo­n sa stepladder semis.

Gaya ng dati, depensa ang naging focus ng paghahanda ng JRU kung saan inaasahan nilang mag-step-up upang makontrol ang boards ang mga foreign big men na sina Abdulrazak Abdulwahab at Abdel Poutouchi.

Sa kabilang dako, gagamitin namang buwelo ng Stags ang panalo kontra Letran Knights kung saan nagposte ng career high 36 puntos si Michael Calisaan at nakipagsan­ib puwersa kay team captain Ryan Costelo upang makopo ang 4th semifinals slot.

“Ever since yun naman talaga ang problema naming, yung big men. Pero hindi naman nawawala sa min yung puso para lumaban,” pahayag ni Stags coach Egay Macaraya.

Bukod kina Calisaan at Costelo, aasahan din ni Macaraya sina Allyn Bulanadi, Jason David, RK Ilagan at Alfred Gayosa para tapatan ang tropa ni coach Vergel Meneses na pamumunuan naman nina Tey Teodoro, pro bound Ervin Grospe at Jed Mendoza .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines