Balita

Cogie Domingo, huli sa drug bust

- Ni BELLA GAMOTEA

ARESTADO si Cogie Domingo at umano’y misis nito sa isinagawan­g anti-illegal drug operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), Region 4-A sa Parañaque City kahapon ng madaling araw.

Nasa kustodiya ngayon ng PDEA CALABARZON sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna and aktor, kasama ang hindi pa pinangalan­ang babae na misis umano ng actor at isa pang suspek. Sa ulat ni Senior Supt.

Victor Rosete, hepe ng Parañaque City Police, nakipagkoo­rdinasyon sa kanila ang PDEA agents kaugnay sa isasagawan­g operasyon sa lungsod dakong 10:00 ng gabi.

Batay pa sa report, sa pagitan ng 3:00 hanggang 4: 00 ng madaling araw natiyempuh­an ng PDEA agents si Domingo at misis nito na umiiskor umano ng droga sa kanilang bahay sa BF Homes, Parañaque City.

Hindi naman binanggit kung gaano karami ng hinihinala­ng shabu na nakumpiska sa actor at misis nito.

Naaresto rin ng awtoridad sa operasyon ang isang suspek na sinasabing nagbenta ng droga kay Domingo.

Unang nakatangga­p ng timbre o impormasyo­n mula sa kanilang impormante ang PDEA kaugnay sa umano’y pagkakasan­gkot sa illegal drugs ng actor dahilan upang mapabilang siya sa target ng ahensiya.

Matatandaa­n na lumitaw sa 2016 report na nasa 54 celebritie­s ang napabilang sa drug watch list ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Inihahanda ng PDEA ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa tatlong suspek.

 ??  ??
 ??  ?? Cogie
Cogie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines