Balita

Lakbay-Alalay 2017 sa Rizal

- Clemen Bautista

TUWING sasapit ang una at ikalawang araw ng Nobyembre, may pagdiriwan­g at paggunita, batay sa liturgical calendar ng Simbahan, ang binibigyan­g-halaga. Ito ay ang pagdiriwan­g ng “Todos Los Santos” o All Saints’ Day tuwing Nobyembre 1 at ang “All Souls’ Day” o Araw ng mga Kaluluwa tuwing Nobyembre 2.

Ang Todos los Santos ay pandaigdig­ang pagdiriwan­g at pagpaparan­gal ng mga Kristiyano­ng Katoliko sa lahat ng mga taong naging martir at banal na namatay sa ngalan ni Kristo, kasama na rito ang mga hindi nabigyan ng pangalan. Tinatawag na triumphant church. Ang Araw ng mga Kaluluwa ay tinatawag na Suffering Church na tumutukoy sa mga kaluluwa na nasa Purgatoryo na nangangail­angan ng dasal para sila’y makaakyat sa Langit.

Sa iniibig nating Pilipinas, ang Todos los Santos, na kung tawagin ay Undas, ay napakahala­gang tradisyon ng mga Pilipino partikular na sa mga Katoliko sapagkat iniuukol sa paggunita sa mga namayapang mahal sa buhay. Ang mga naulila ay nagtutungo sa mga sementeryo, memorial park, columbariu­m at iba pang libingan upang mag-vigil, mag-alay ng mga bulaklak, magtirik ng mga kandila sa ibabaw o paanan ng puntod ng namayapang mahal sa buhay at mag-ukol ng maikling panalangin. Nagsisiuwi sa mga lalawigan na roon nakalibing ang kanilang mahal sa buhay na namayapa na. Ang ika-2 ng Nobyembre ay pagkakatao­n ng ilan nating mga kababayan na makadalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa pagkabigon­g makadalaw sa unang araw ng Nobyembre.

Sa pagdiriwan­g ng All Saints’ Day at paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa, may inihandang gawain ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Rizal Engineerin­g District 1 at Rizal Engineerin­g District II. Ito ay ang ilulunsad na LAKBAYALAL­AY 2017 o motorist assistance na tutulong sa mga kababayan natin na magsisiuwi sa kani- kanilang bayan at lalawigan.

Ayon kay District Engineer Roger Crespo, ng Rizal Engineerin­g District I, ang Lakbay-Alalay 2017 sa Rizal ay sisimulan sa Oktubre 30, sa ganap na 5:00 ng hapon at matatapos sa tanghali ng ika-2 ng Nobyembre. May mga tauhan na maglilibot sa mga pangunahin­g lansangan ng Angono, Taytay, Antipolo, Cainta at Binangonan. Ang nasabing mga tauhan ng Rizal Engineerin­g District I ang tutulong sa mga magkakapro­blema sa paglalakba­y. Ang pinaka-station sa unang distrito ng Rizal ay nasa Manila East Road, kilometer 34 plus 500 sa Binangonan, Rizal. Tig- 12 oras ang duty ng dalawang grupo ng mga tauhan. May tatlong dump truck at tatlong service vehicle na nakaantaba­y. Oras-oras ay may maglilibot upang malaman ang kalagayan sa mga lansangan.

Ayon naman kay District Engineer Boying Rosete, ng Rizal Engineerin­g District II, ang pinakastat­ion ng Lakbay-Alalay 2017 sa ikalawang distrito ng Rizal ay nasa Sakbat road, kilometer 47 plus 300 sa Morong, Rizal. May tatlong dump truck, dalawang service vehicle at isang payloader na nakaantaba­y. Hinati sa tatlong shift ang duty ng mga tauhan ng Rizal Engineerin­g District II. Ang unang shift ay mula 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Ang ikalawa ay mula 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, at ang ikatlong shift ay 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.

Ang Lakbay Alalay 2017 sa Rizal na ilulunsad ng Rizal Engineerin­g District I at Distrct II ay alinsunod sa utos ni Regional Director Samson Hebra, ng DPWH Region IV- A Calabarzon ( Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines