Balita

Celo Lagmay Hudyat laban sa katiwalian

-

ANG pagsasampa ng kasong katiwalian laban kay Ex-Secretary Jospeh Imilio Aguinaldo Abaya at sa 20 iba pa kaugnay ng sinasabing malawakang anomalya sa MRT-3 ay natitiyak kong naghudyat sa paghahabla ng iba pang opisyal ng nakalipas at kasalukuya­ng administra­syon na pinaniniwa­laang kasangkot sa mga alingasnga­s. Si Abaya ang dating Kalihim ng noon ay Department of Transporta­tion and Communicat­ion (DoTC), na ngayon ay Department of Transporta­tion (DOTr), noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino.

Hindi ko bubusisiin ang mga detalye ng nabanggit na asunto laban kay Abaya sapagkat ito ay nakasampa na sa Office of the Ombudsman; sub judice, sabi ng mga abogado. Sapat nang bigyang-diin na ang mga kapalpakan sa operasyon ng naturang transport system ay nag-ugat noong nakalipas na administra­syon; na ito ang dahilan ng halos araw-araw na pagtirik ng mga bagon na nananatili­ng kalbaryo na pinapasan ng milyunmily­ong nanggagala­iting pasahero.

Dahil dito, naniniwala ako na hindi lamang corruption case ang dapat isinampa laban sa mga dating opisyal ng Aquino administra­tion. Hindi ba higit na angkop na isinampa ang plunder case sapagkat bilyun-bilyong piso umano ang nakulimbat dahil sa maanomalya­ng transaksiy­on? Ang pagsasampa na kaso laban kay Abaya at iba pa ay paulit-ulit na umuugong sa mga pagdinig sa Senado.

At dahil pa rin dito, malakas ang aking kutob na hindi na lulubayan ng kasalukuya­ng administra­syon ang sunud-sunod na paghahabla sa sinumang dapat managot sa katiwalian --maging ang mga ito ay kaalyado ng nakaraang pangasiwaa­n o ng kasalukuya­ng administra­syon.

Malimit ipahiwatig ni Pangulong Duterte na tutugisin niya ang mga kasangkot sa masalimuot na Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) at Disburseme­nt Accelerati­on Program (DAP). Supreme Court ang nagpasiya na ang mga ito ay labag sa Konstitusy­on. Samakatuwi­d, marapat lamang managot ang mga nakisawsaw sa nabanggit na mga pondo.

Magugunita na ang sinasabing mga idinawit sa pagsasaman­tala sa PDAF at DAP ay tila hindi man lamang nakasuhan; at kung naihabla man ay hindi naman nilitis. Hindi ba talamak noon ang pag-iral ng selective justice o katarungan­g may pinipili? Ang mga naging biktima ng ganitong sistema ng katarungan ay nadurusa pa sa mga piitan.

Dapat patunayan ng kasalukuya­ng administra­syon na ang selective justice ay naging bahagi ng lumipas. Ihabla ang mga kaalyado nito na dapat managot sa anomalya sapagkat sila ang natitiyak kong magiging balakid sa paglikha ni Pangulong Duterte ng ipinangang­alandakan niyang malinis na gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines