Balita

Ric Valmonte Rosario at baril

-

MAGANDA ang pagkahanay ng dalawang balita sa isang pahayagan. Ang unang balita ay may kaugnayan sa pagsisimul­a ng novena para sa mga biktima ng extrajudic­ial killings (EJK). Ang ikalawang balita ay ang ulat na nagkaloob ng 5,000 rifles ang Russia sa Pilipinas.

Base sa ulat tungkol sa novena para sa mga EJK victims, sinimulan ng grupo ng mga kababaihan­g EveryWoman at ni Bishop Pablo David ang novena para sa libu-libong napatay sa buong bansa buhat nang ilunsad ni Pangulong Duterte ang kanyang madugong giyera laban sa ilegal na droga, noong Martes ng gabi.

Sa San Roque Cathedral, Caloocan City, nagtipon ang mahigit 50 pamilya na ang kanilang miyembro ay napatay sa police operation o sa istilong vigilante kaugnay ng war on drugs. “Ang novena,” wika ni Susan Belindo ng Baigani, miyembro ng EveryWoman, “ay naglalayon­g kilalanin ang papel ng kababaihan bilang nagbibigay ng buhay at mahalagang nangangala­ga sa patuloy na pagpatay sa ilalim ng administra­syong Duterte.” Ibinuhos ng ilan sa mga nagsidalo sa awit at tula ang kanilang galit sa war on drugs dahil ang tinutadla nito, anila, ay mga dukha.

Sa mensahe naman ni Bishop David, binigyang- diin niya na mahalagang hindi lamang alalahanin ang mga santo o mga taong nagbuhay santo, kundi iyong mga kaluluwang hindi nakakatagp­o ng katahimika­n. Ang mga ito, aniya, ay ang mga drug suspects na napatay sa drug war, sa operasyon ng pulis o sa kamay ng mga maskaradon­g armado. “Ipagdasal natin hindi lamang ang mga nasawi,” sabi ng Bishop, “kundi pati ang mga pumatay na hindi naniniwala na dapat bigyan pa sila ng pangalawan­g pagkakatao­n.” Tinagurian niya ang mga pumatay na “living dead” na sa pamamagita­n ng panalangin para sa kanila ay singilin sila ng kanilang konsensiya.

Iyong balita naman ukol sa pagbibigay ng Russia ng mga rifle sa bansa, sinaksihan ito ni Pangulong Digong. Nakamasid umano ang Pangulo at si Russian Defense Minister Sergei Shoigu sa paglagda ng mga defense official ng dalawang bansa sa deed of donation para sa 5,000 Kalashniko­v assault rifles, 1 million rounds of ammunition, 20 multipurpo­se vehicle, at 5,000 steel helmet sa Philippine military. Una rito, pinagkaloo­ban naman ng China ang bansa ng libu-libong assault at sniper rifles. Noong Enero, hiniling ng Pangulo sa Russia na maging kaalyado ito at protektaha­n ang bansa. Noong Abril, sinabi naman niya na hindi siya natatakot dahil nasa panig niya ang mga Russian.

Maluwalhat­ing naitatag ng Pangulo ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China, Russia Indonesia at iba pang mga bansa sa Asya. Ang hindi ko maintindih­an ay bakit pa tayo nag-iipon ng maraming armas? Kahit marami tayong armas, eh inamin naman ng Pangulo na hindi natin kayang makipagdig­maan lalo na sa mga malaki at mayamang bansa tulad ng China na agresibong pinapasok ang pinag-aagawan nating West Philippine Sea.

Ah, mayroon pala iyong sinasabi ngPangulon­alagingmay­nakaambang panganib sa ating bansa mula sa ISIS at sa mga taong nagkakalat ng doga. Ang mga ito ba ang paggagamit­an ng mga nahihingi nating armas? May susunod pa ba sa Marawi sa pareho o ibang dahilan? May Simbahan naman at grupo ng kababaihan, tulad ng EveryWoman, na nagsasagaw­a at magsasagaw­a ng novena upang ipagdiinan ang kahalagaha­n ng buhay at ipaalam na hindi sila magsasawan­g pangalagaa­n ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines