Balita

Vice Ganda, binusog ng jokes ang mga nanood ng concert

- Ni ADOR SALUTA

IN fairness kay Vice Ganda, kahit biglaan ang Vice Ganda For All Concert, The Phenomenal Launch nch sa Araneta Coliseum last Sunday, dumagsa pa a rin ang kanyang fans. Ang concert ang nagsilbing ing launch ng kanyang cosmetic products na Vice ice Co. Special guest ni Vice ang dating Pinoy oy Big Brother teen housemates na sina Maymay ay

Entrata at Kisses Delavin bilang endorsers ng kanyang produkto.

Nag-perform ang dalawa sa stage bilang ng pasasalama­t kay Vice na sila ang pinili para ra maging brand ambassador­s ng beauty products. s. Nagpalakpa­kan ang buong Smart Araneta sa a sing and dance performanc­e ni Maymay na

Born This Way. Suot niya ang silver costume na inspired ng popular ensemble ni Lady Gaga.

Umawit at sumayaw din si Kisses kahit t halatang hindi niya napaghanda­an ang kanyang production number. Naging guest performer ni Vice sina Frenchie Dy at

Bituin Escalante. Nagpaunlak din ng dalawang kanta ang matalik na kaibigan ni Vice na si Karla Estrada.

Ikinatuwa ng Vice-Karylle fans ang paglabas ng stage ni Karylle. The following day, ang sabi ni Vice sa It’s Showtime, “Si Krylle lang ang kaibigan ko dahil siya lang ang co-host ko na nakaalalan­g puntahan ako sa Araneta.”

Sa kanyang finale sa concert, rumampa sa isang fashion show ang drag queens at mga bading. Kasama nina Kisses at Maymay na rumampa sa stage si Edward Barber.

Nanood at sumuporta rin ang kaibigang singers ni Vice Ganda na sina Kyla at KZ Tandingan. Bukod sa pagkanta ni Vice, inabangan din ng fans ang ilang pasabog na jokes ng ABS-CBN star. As usual, busog na busog ang madlang pipol sa jokes ni Vice sa kanyang concert: “Maganda daw ako sabi ng nanay ko at masama daw sumuway sa sinasabi ng magulang, kaya no’ng sinabi n’ya ‘yun, wala akong choice kundi maniwala.” “Alam n’yo dati, may paniniwala akong hindi ako maganda, may pagkakatao­n na hindi ako maganda. ‘Pag may dumarating na bisita sa amin galing ng States para lumuwas ng Maynila, sinasabi sa ‘kin ng nanay ko na, ‘O, anak doon ka muna sa loob ng cabinet.’ Sabi ko, ‘Nay, bakit po sa loob ng cabinet?’ Sabi niya, ‘Ganu’n talaga anak, kasi ang kagandahan ay nasa loob, huwag muna lalabas hangga’t ‘di ko sinasabi.’ “Nag- overnight ‘ yung isa naming bisita, kaya hindi ako nakalabas, madaling araw nagising na lang ako, kasi may lumalabas na straw sa butas ng pinto ng cabinet, inuminom din pag may time. “Tinanong ko naman ‘yung tatay ko, tanong ko sa kanya, ‘Tay, naniniwala ka bang maganda ako?’ Sabi ng tatay ko, ‘Ikaw ang kayamanan ng pamilya.’ Isang beses, gabing-gabi nagising ako. Bakit ang daming lupa sa paligid ko? ‘Yun pala ibinabaon ako ng tatay ko sa lupa, dahil ako daw ang kayamanan ng pamilya. Baka daw kasi nakawin ako ng mga tao kaya ibinaon ako sa lupa. Pero okay lang naman sa ‘kin kasi may dahilan naman ang tatay ko. “Sabi ng iba sa akin, maganda ka sana ‘no, ‘kaso bakla ka, eh. Bakit? Kailan pa nagkaroon ng exclusive contract ang kagandahan sa babae? Ang kagandahan ay p’wede sa babae, p’wede sa lalaki, p’wede sa tomboy at p’wede sa bakla. “Dahil ang kagandahan ay nasa puso at isip ng nagmamay-ari at wala sa pepe at ari. ‘Pag maganda ka, maganda ka, kung may pepe or wala. Porke’t bakla ako, hindi ako maganda?”

 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines