Balita

Hindi ko nasigawan si Danita –Direk Cathy

- –Reggee Bonoan

“MAY continuity pa nga siya ( Danita Paner) sa amin ( La Luna Sangre) ‘tapos hindi na nagpakita. Sabi ko pa nga sa kanya, ‘O, next day natin, ‘ wag ka na kakabahan ha?’ Umoo naman, ‘yun pala hindi na magpapakit­a.” Ito ang bungad ni Direk Cathy Garcia

Molina nang makapalita­n namin ng mensahe nitong Huwebes.

Kinumusta kasi namin ang lady director sabay tanong kung bakit niya sinigawan si Danita, base mismo sa kuwento ng dalaga nang mainterbyu namin.

Nabanggit ng aktres na natakot siya kay Direk Cathy kaya kusa na siyang umalis sa La Luna Sangre.

“Hindi ko naman siya nasigawan, eh. ‘Yung ibang talent ang nasigawan at napagalita­n ko. Baka akala niya siya. “Nagkausap naman na kami ng mommy ( Daisy

Romualdez) niya at nagkaintin­dihan na. Lagi naman akong sumisigaw sa set, ‘pag dinamdam niya, eh, mahihirapa­n nga po siya. Normal naman ‘yun, eh. Hinaplos ko pa nga ulo niya pagka-pack at hinawakan ko kamay niya,” kuwento ni Direk Cathy.

Diretsong tanong namin, marunong ba namang umarte? “Marunong naman,” at idinugtong na,”’yung last sequence nga niya na hindi niya masabisabi nang tama ang lines niya hindi ko na siya napagalita­n, eh. Sensitive lang siya masyado. Maaaring nasigawan ko siya, pero sigaw na normal lang ‘yun. “Hindi naman siya nakatikim sa akin ng malala, siguro sa paningin niya nasigawan ko siya, pero sa akin isa lang ‘yun sa mga normal na sigaw ko sa set. Sabi nga ng mommy (Daisy) niya, sensitive raw talaga.” Pero dahil hindi na nga bumalik si Danita sa La Luna Sangre, pinatay na ang karakter niya. “Pinatay na kunwari sa dialogue na lang,” sabi ni Direk Cathy. Samantala, busy ngayon si Direk Cathy sa shooting ng pelikula nina Robin Padilla at Sharon Cuneta na hindi niya binanggit kung ano ang papel ng dalawa pati na rin sina Joshua Garcia at Julia Barretto. “Wala pa po title,” saad sa amin. Biniro namin ang direktora ng, ‘siguro naman po hindi ito sequel ng Maging Sino Ka Man?’ (hit movie nina Shawie at Binoe noong 1991). “Ay, ha-ha-ha, hindi po,” sagot sa amin ni Direk Cathy.

 ??  ?? Direk Cathy
Direk Cathy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines