Balita

Allen at Angeli Nicole, pinarangal­an sa Warsaw filmfest

- Ni LITO T. MAÑAGO

TUMANGGAP ng panibagong karangalan si Allen Dizon kasama ang lead actress na si Angeli Nicole Sanoy sa katatapos na 33rd Warsaw Internatio­nal Film Festival ( WIFF) sa Warsaw City, Poland bilang Special Jury Award for Acting sa kanilang pagganap sa pelikulang Bomba (The Bomb) ni Direk Ralston Jover.

Ito ang pang-anim na internatio­nal acting awards ng dating sexy stud at kauna-unahan naman para kay Angeli Nicole na nakilala sa kanyang role sa pelikulang Patikul ni Direk Joel Lamangan at nagbigay karangalan bilang Best Breakthrou­gh Performanc­e by an Actress sa Golden Screen Awards ( GSA) ng Entertainm­ent Press Society, Inc.

Nauna nang kinilala ang kahusayan ni Allen sa Magkakabau­ng ni Direk Jason

Paul Laxamana. Nagbigay ito ng ilang internatio­nal best actor trophies sa kanya, kabilang ang Harlem Internatio­nal Film Festival sa New York; Hanoi Internatio­nal Film Festival sa Hanoi, Vietnam; at Silk Road Film Festival sa Ireland. Sa pelikulang

Iadya Mo Ako ni Direk Mel Chionglo, tumanggap siya ng Best Actor sa Silk Road Film Festival at Salento Internatio­nal Film Festival sa Italy.

Ang latest accomplish­ment ni Allen bilang mahusay na aktor ay itong A-list filmfest sa Warsaw.

Nakatakda ring mag-compete ang Bomba sa 17th Dhaka Internatio­nal Film Festival sa Bangladesh. Sa naturang filmfest din pinarangal­an si Cong. Vilma Santos bilang Best Actress sa Ekstra ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso. Ang Bomba ay co-production ventures ng ATD Entertainm­ent Production­s, Heaven’s Best Entertainm­ent ng magasawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.

Matatandaa­ng nabigyan ito ng X-rating ng Movie and Television Review and Classifica­tion Board (MTRCB) nang unang isumite for review bilang requiremen­t for commercial release and eventually, nabigyan ng R-13 rating nang iapela ng director at producers for a second review.

This early, wala pang definite date kung kailan ito magkakaroo­n ng commercial run.

 ??  ?? Allen at Angeli
Allen at Angeli

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines