Balita

Fats Domino, pumanaw na

- AFP

PUMANAW na si Fats Domino, na ang rollicking boogie-woogie piano ay tumulong para maisilang ang rock ‘n’ roll, sa kanyang bahay sa New Orleans, sinabi ng coroner nitong Miyerkules. Siya ay 89.

Isa sa top-selling artists ng 1950s, itinuturin­g si Domino na indispensa­ble influence ng maraming alamat kabilang sina Elvis Presley, Bob Marley at lalo na ng The Beatles, na tinawag ang kanyang musika na kanilang unang encounter sa rock.

Namatay ang sikat ngunit mailap na musikero, na ilang beses lamang nasilayan ng publiko sa nakalipas na deakada, nitong Martes ng umaga sa natural na kadahilana­n, ayon kay Gerry Cvitanovic­h, ang coroner ng Jefferson Parish.

“He was a world-class musician, known for his shaping of rock ‘n’ roll as we know it,” saad sa pahayag ni New Orleans Mayor Mitch Landrieu.

Nauna rito ay sinabi ng anak na babae ni Domino sa isang lokal na telebisyon na ang rock legend ay mapayapang pumanaw sa piling ng kanyang pamilya.

Sa kabila ng kanyang kasikatan sa buong mundo, hindi umalis si Domino sa kanyang working-class Lower Ninth Ward sa New Orleans kung saan pinalaki nila ng kanyang namayapang asawa na si Rosemary ang kanilang walong anak at paminsan-minsan ay makikita siyang natutulog sa duyan sa labas.

Sa panahon ng kanyang kasikatan, karibal ni Domino si Elvis sa record sales at para sa korona ng King of Rock ‘n’ Roll. Ngunit dahil likas siyang mahiyain at umiiral pa rin ang diskrimins­syon noon sa United States, naglaho sa mata ng madla ang self-effacing na si Domino pagsapit ng mid1960s sa pag-usbong ng swaggering rock stars na naghari sa pop culture.

Isinilang siyang si Antoine Domino, maagang nakuha ng plump pianist ang kanyang palayaw – na pinatibay ng tagumpay ng The Fat Man noong 1949, ang unang rock ‘n’ roll single na bumenta ng isang milyong kopya.

Kalaunan ay inirekord niya ang hits na naging

omnipresen­t sa American jukeboxes gaya ng Ain’t That a Shame, Blueberry Hill, I’m Walking at It’s You I Love. INSPIRASYO­N NG ROCKERS

Bahagi si Domino ng unang grupo na iniluklok sa Rock and Roll Hall of Fame noong 1986. Sinabi ng Beach Boys songwriter na si Brian

Wilson na si Domino ang naghahari sa radyo noong siya ay bata, nag-tweet na, “He was a great singer and piano player and his music will last forever.”

Hiniling ng The Beatles na makita si Domino nang una silang magtanghal sa New Orleans noong1964.

Sinabi ni John Lennon na ang Ain’t That a Shame ay ang unang awitin na natutunan niyang tugtugin, habang kalaunan ay naging inspirasyo­n si Domino ng 1968 track ni Paul McCartney na Lady Madonna -- na inawit din ni Domino sa kanyang last hit.

Nakatulong man ang kanyang musika para basagin ang color barrier, malumanay pa ring magsalita si Domino. Sa bibihirang panayam noong 2004, sinabi niya na lumaki na siyang nasasanay sa segregatio­n.

“That’s the way it was when I started out,” aniya sa New Orleans music magazine Offbeat. “I knew what they had going on so it was no use me trying to do anything about it. I just went along and did my thing.”

Sinabi niya na hindi na naisip na lisanin ang New Orleans. Kahit na siya ay nagto-tour, madalas siyang magluto ng shrimp gumbo at iba pang quintessen­tially Louisiana dishes.

“People would tell me -- well, they wouldn’t tell me but other people would tell me -- ‘They want to know why would you build an expensive house like that in that neighborho­od.’ Well, to me it didn’t make no difference ‘cause I like it and this is where I was born,” aniya.

 ??  ?? Fats
Fats

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines