Balita

Napanaluna­ng danyos sa kaso, ibibigay ni Eminem sa hurricane victims

- Cover Media

IBIBIGAY ni Eminem ang proceeds mula sa huling breach of copyright lawsuit niya sa hurricane relief efforts.

Naghain ang mga abogado ng publishing firm ng American rapper na Eight Mile Style laban sa staff ng National Party ng New Zealand tatlong taon na ang nakalipas, na inaakusaha­n sila ng paggamit ng unlicensed version ng kanyang 2002 hit na Lose Yourself sa TV adverts para sa re-election campaign noong 2014 ng dating lider na si John Key.

Napatunaya­n ng mga mambabatas na nagkasala ang defendants ng copyright infringeme­nt at iginawad nila sa rapper ang $412,000 bilang danyos nitong Miyerkules. Gayunman, ipinaliwan­ag ng mga kinatawan ni Eminem na hindi siya sangkot sa paghahain ng kaso at ibibigay niya ang judgment cash sa hurricane relief organisati­ons, ayon sa Variety.com.

“Eminem was not a party to this lawsuit nor was he consulted regarding the case,” sinabi ng isang kinatawan. “Any monetary settlement he receives from it will be donated to hurricane relief.” Aktibo si Eminem sa hurricane relief efforts at kamakailan ay nakipagsan­ibpuwersa sa bosses ng Detroit, Michigan-based e-commerce firm na StockX upang magtayo ng isang bagong fundraisin­g effort para sa mga apektado ng Hurricane Harvey sa Houston, Texas at Hurricane Irma, na sumalanta sa Caribbean at ilang bahagi ng Florida. Nais ng hip- hop star na magkaloob ang fans ng $10 o mahigit pa sa StockXEmin­em Hurricane Relief Fund, na tatapatan niya ng $250,000. Bilang dagdag na insentibo, ang mga sasali sa charity drive ay makakasama sa raffle para manalo ng special sneakers na ipagkakalo­ob ng celebritie­s gaya nina Eminem, Mark Wahlberg, Pharrell Williams, Snoop Dogg, at basketball superstars na sina LeBron James at Stephen Curry.

 ??  ?? Eminem
Eminem

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines