Balita

Selena Gomez balik-entablado sa AMAs

- Cover Media

MAGBABALIK sa entablado si Selena Gomez sa susunod na buwan sa American Music Awards para magtanghal sa unang pagkakatao­n simula nang sumailalim sa kidney transplant.

Isinapubli­ko ng Come and Get It hitmaker, nasuring may autoimmune disease na lupus noong 2015, ang kanyang huling health struggle noong Setyembre, ibinunyag na hindi niya nai-promote ang kanyang bagong singles gaya ng Bad Liar at Fetish nitong summer dahil nagpapagal­ing siya mula sa isang operasyon.

Gayunman, handa na ngayon si Selena na magbalik sa spotlight at aawitin ang kanyang bagong kanta na Wolves, collaborat­ion nila ni

DJ Marshmello, sa Los Angeles prizegivin­g sa Nobyembre 19, iniukat ng People.com.

“Can’t wait,” wika ng 25-anyos sa Twitter matapos ipahayag noong Oktubre 26. Ang kanyang tweet ay sinamahan ng emoji ng isang wolf.

Lumabas ang balita isang araw matapos mag-premier ang Wolves sa online, at para ipagdiwang ang paglabas, nagpa-interview ang pop star sa Apple Music presenter na si Zane Lowe, na inilabas nitong Miyerkules. Sa kanilang chat inamin niya na nakaipon siya ng mga bagong materyales na katumbas na ng dalawang album mula sa lahat ng kanyang studio sessions kamakailan, at naghihinta­y lamang siya ng tamang panahon upang ibahagi ito sa kanyang fans.

“I’m ready. I want to get back in and re-focus on all of my music,” ani Selena tungkol sa planong maglabas ng follow-up sa Revival noong 2015. “To be honest, I feel like I have two albums already completed, but I’m wanting to figure it out. So it’s a lot sooner than I think people anticipate. I want to call the shots, I want it to be good, I want to be ready, I don’t want to do anything that’s forced. It will be soon.”

Samantala, ipinahayag din si Diana Ross bilang fellow performer para sa 2017 AMAs, kung saan pararangal­an siya ng lifetime achievemen­t prize.

Si Bruno Mars ang nangunguna sa lahat ng nominees sa walong nomination, habang si Selena ay susuportah­an ang boyfriend na si The Weeknd, na lalaban para sa limang awards, kapantay ang kaibigang sina Drake,

Ed Sheeran, Kendrick Lamar, at ang The Chainsmoke­rs.

 ??  ?? Selena
Selena

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines