Balita

Corey Feldman, ilalantad ang pedophile ring sa Hollywood

- AFP

IPINAHAYAG ng dating child star na si Corey Feldman na nagbabalak siyang gumawa ng documentar­y para ilantad ang diumano’y network ng mga pedophile na nagtatraba­ho sa Hollywood.

Sa video na ipinaskil sa Twitter, sinabi ng 46-anyos na musikero na lumilikom siya ng $10 million para pondohan ang pelikula na magbibigay ng “honest and true depiction of child abuse” sa industriya.

“What I am proposing is a plan that I believe can literally change the entertainm­ent system as we know it. And I believe that I can also bring down, potentiall­y, a pedophile ring that I have been aware of since I was a child,” ani Feldman.

“Right off the bat, I can name six names, one of them who is still very powerful today. And a story that links all the way up to a studio. It connects pedophilia to one of the major studios.”

Sinabi ni Feldman, lumabas sa cult 1980s movies gaya ng Gremlins, The Goonies at The

Lost Boys, na nasira ang kanyang karera dahil sa pangangamp­anya laban sa inilarawan niyang Hollywood pedophile ring na umabuso sa kanya noong siya ay bata.

Ayon kay Feldman, siya at ang kapwa child star na si Corey Haim, namatay sa pneumonia noong 2010, ay inabuso ng studio executives habang sinisikap nilang makilala. Ang ilan ay kabilang sa “richest, most powerful people in this business.”

“Ever since I discussed the fact that I have this plan, my life has turned to utter chaos,” paliwanag niya sa pitong minutong video.

“I’ve been silenced my whole life, but just over the past few days since I made that announceme­nt, I’ve been arrested, I had a near-death experience last night where I felt like I was almost going to be killed. Two trucks came speeding at me at the same time on a crosswalk.” Ang aktor at ang kapwa mga miyembro ng bandang Corey Feldman and the

Angels ay pinagmulta ng mga pulis sa Louisiana noong nakaraang linggo matapos matagpuan ang marijuana sa kanilang tour bus.

Ang Truth Campaign ni Feldman – tumanggap na ng pledges na $107,000 sa pamamagita­n ng fundraisin­g website na Indiegogo nitong Huwebes – ang magpopondo sa production at distributi­on ng documentar­y.

Humihiling din si Feldman ng tulong para bumili ng “security and the legal team that I need to help my family until the project is released.”

Maraming babae na dumanas ng sexual abuse ang nagsalita sa social media sa ilalim ng hashtag na #MeToo simula nang pumutok ang eskandalo kaugnay sa movie mogul na si Harvey Weinstein nitong nakaraang buwan.

Nagbunsod ito ng mga panawagan para sa katarungan mula kay Feldman, na bumaling sa Twitter isang linggo na ang nakalipas upang ibahagi ang kanyang sariling karanasan ng pang-aabuso sa seven-message tirade.

 ??  ?? Corey
Corey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines