Balita

‘Swiss Miss’, nagretiro uli sa tennis

-

SINGAPORE (AP) — Sa ikatlong pagkakatao­n, ipinahayag ni tennis star Martina Hingis nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ) ang gpg pagreretir­o sa pagtatapos ng WTA Finals.

Naunang kinumpirma ng tinagurian­g ‘Swiss Miss’ ang desisyon sa kanyang Twitter at Facebook account matapos ang pagwawagi sa doubles match sa quarterfin­als.

Kasangga ni Hingis si Chan Yung-Jan ng Taipei kontra sa tambalan nina Anna-Lena Groenefeld ng Germany at Kveta Peschke ng Czech Republic, 6-3, 6-2.

“I told Latisha (Chan) from the start (of the year), ‘Hey this will probably be my last year,” pahayag ni Hingis.

“Probably people think after a season like this n( (to continue) but I think it’s perfect timing because you want to stop on top.I couldn’t ask for a better finish.”

Tangan ng 37-anyos na si Hingis ang limang Grand Slam singles titles, 13 Grand Slam doubles titles, at pitong Grand Slam mixed doubles titles. Sa kabuuan ng career, naipanalo niya ang 43 singles at 64 doubles title. Isa siya sa anim na naging No.1 player na nagwagi ng singles at doubles title sa isang torneo.

Ngayong taon, napagwagih­an ni Hingis ang siyam na women’s doubles title, kabilang ang U.S. Open kasangga si Chan. Nagwagi rin siya sa Wimbledon at U.S. Open mixed doubles kakampi si Jamie Murray.

Nakopo ni Hingis ang WTA Finals doubles title kasama si Sania Mirza ng India.

Unang nagretiro si Hingis noong 2003 bunsod ng injuries. Nagbalik aksiyon siya noong 2006, subalit muling nagretiro matapos ang isang taon nang magpositib­o sa cocaine sa 2007 Wimbledon tournament. Noong 2008, pinatawan siya ng two-year ban sa tennis.

“The previous times (I retired) I always had things in the back of my head that I might be able to, singles and then doubles, might be able to do that,” sambit ni Hingis. “I think now it’s definite. Before I was thinking I might come back.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines