Balita

Buzzer-beating kay Blake

-

PORTLAND (AP) – Hindi lang sa depensa at one-on-one play maaasahan si Blake Griffin. May pamatay na rin siyang three-pointer.

Naisalpak ng 6-foot-10 dunker ang three-pointer sa buzzer para mailigtas ang Los Angeles Clippers sa apoy ng Trail Blazers, 104-103, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Moda Center.

Matikas ang simula ng Clippers na nagawang makaabante sa 10 puntos sa third period, ngunit naglagabla­b ang opensa nina Damian Lillard at CJ McCollum para maagaw ang kalamangan sa 94-91 tungo sa huling limang minuto ng laro.

Nagpalitan ng puntos ang magkaribal, tampok ang magkakasun­od na baskets ni Griffin para maiabante ang Clippers sa 101-100 may 1:06 sa laro. Umiskor si McCollum para sa 102-101 bentahe ng Blazers may 43 segundo ang nalalabi.

Sa sumunod na play, sumablay si Danilo Gallinari, ngunit muling nakuha ni Patrick Beverley ang bola para sa ikalawang pagkakatao­n,s ubalit natawagan ng charging foul si Austin Rivers sa depensa ni McCollum.

Nabigyan ng free throw si McCollum, ngunit isa lamang ang naisalpak, sapat para sa isa pang pagkakatao­n sa Clippers. Sa huling play, nakuha ni Griffin ang bola at buo ang loob na ibinato ang three-pointer na nagbigay sa Clippers ng ikaapat na sunod na panalo.

Hataw si Griffin sa naiskor na 25 puntos, walong rebounds at limang assists, habang kumana sina Gallinari at Rivers ng tig-16 puntos.

Kumubra sina Lillard at McCollum ng 25 at 23 puntos, ayon sa pagkakasun­od para sa Portland (3-2).

PELICANS 114, KINGS 106

Sa Golden 1 Center sa Sacramento, binigyan ng video tribute ng Kings ang dating player na si DeMarcus Cousins sa kanyang pagbabalik sa arena suot ang bagong jersey ng New Orleans Pelicans.

Hindi naman binigo ni Cousins ang crowd sa matikas na laro para sandigan ang Pelicans sa come-frombehind win kontra sa Kings.

Ratsada si Cousins sa naiskor na 41 puntos, 23 rebounds at anim na assists. Nag-ambag sina Jrue Holiday ng 20 puntos at Jameer Nelson ng 18 puntos para sa New Orleans (2-3).

CELTICS 96, BUCKS 89

Sa Milwaukee, sinandigan nina Al Horford at Kyrie Irving sa naiskor na 27at 24 puntos, ayon sa pagkakasun­od, ang Boston Celtics kontra Milwaukee Bucks.

Nag-ambag sina Jayson Tatum at Aron Baynes ng tig-12 punto para makabawi ang Celtics (3-2) sa kabiguang natamo sa Bucks sa opening day.

Nanguna si Giannis Antetokoun­mpo sa Bucks (3-2) sa naiskor na 28 puntos, 10 rebounds at pitong assists. Kumana sina Khris Middleton at Malcolm Brogdon ng tig-15 puntos.

GRIZZLIES 96, MAVS 91

Sa Memphis, Tenn., nagdiwang ang home-crowd ng gapiin ng Grizzlies, sa pangunguna nina Marc Gasol na may 25 puntos at 13 rebounds, at Mike Conley na may 22 puntos ang Dallas Mavericks.

Umabante ang Memphis sa 20 puntos sa third quarter, ngunit nagawang matapyas ng Mavericks ang bentahe tampok ang outside shooting ni Wesley Matthews, na tumipa ng 18 puntos, tampok ang apat na three-pointer sa final period.

Bumuwelta ang Mavericks ng 18-8 run, tampok ang dalawang free throw ni J.J. Barea para sa 86-84 iskor may 3:56 ang nalalabi sa laro. Ngunit, hindi na nakasagot ang Dallas sa banat ng Memphis.

Nanguna si Harrison Barnes sa Dallas sa naiskor na 22 puntos, habang kumana si Dirk Nowitzki ng 14 puntos.

Sa iba pang laro, nasuwag ng Chicago Bulls ang Atlanta Hawks, 91-86.

 ??  ?? GRIFFIN: Pumupuntos na rin sa tres.
GRIFFIN: Pumupuntos na rin sa tres.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines