Balita

PVL All-Stars, papalo sa FilOil

- Marivic Awitan

NAKATAKDAN­G makalaban ni Myla Pablo sa isang friendly game ang mga dating National University teammates na sina Risa Sato, Aiko Urdas at Jasmine Nabor sa kanilang pagsabak bilang bahagi ng magkaibang koponan sa idaraos na first Premier Volleyball League All-Star Game bukas sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Si Pablo, isa sa mga namuno sa NU tungo sa kampeonato ng dating V- League noong 2015, ang nag-iisang dating NU player na napunta sa White squad na makakatung­gali naman ng Team Red sa exhibition match na idaraos ng PVL bilang pasasalama­t sa kanilang mga fans at backers para sa isang matagumpay na taon.

Makakasama ng top hitter ng Pocari Sweat sa team sina Creamline ace playmaker Jia Morado, Isa Molde ng UP, Nicole Tiamzon at Sue Roces ng Perlas, Joy Cases ng Air Force ang kanyang mga Pocari teammates na sina Jeanette Panaga, Gyzelle Sy, Elaine Kasilag at Melissa Gohing, Bea de Leon ng Ateneo at Creamline blocker Pau Soriano.

Sasamahan naman sina Sato, Urdas at Nabor ng kanilang mga BaliPure teammates na sina Jerilli Malabanan at Alyssa Eroa, UP hitter Diana Carlos, Creamline standout Aurea Racraquin, Perlas Banko spikers Kathy Bersola at Amy Ahomiro at setter Jem Ferrer.

Magsisimul­a ang laban ganap na 6:00 ng gabi pagkatapos ng men’s All-Star na uumpisahan ng 3:30 ng hapon.

Muling magsasama sina dating four- time UAAP MVP Marck Espejo at top setter Ish Polvorosa at mga dating Ateneo teammates Rex Intal at Ysay Marasigan para sa Blue team na sasagupa sa Yellow na pamumunuan naman nina Edwin Tolentino, Fauzi Ismail, Ranran Abdilla, Kim Malabungan at Rodolfo Labrador.

Bukod sa All- Star Games, magkakaroo­n din ng autograph signing at photo ops para sa mga fans ganap na 1:30 ng hapon.

Para sa mga gustong manood, maaari ng makabili ng tiket sa ticket booth ng FIL Oil Flying V Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines