Balita

‘Do-or-die’, naipuwersa ng La Salle Greenies

- Marivic Awitan

HUMULAGPOS sa San Beda College ang tsansang mabawi ang titulo makaraang ibitin ng 4th seed CSB-La Salle Greenhills ang kanilang twice -to-beat incentive sa pamamagita­n ng 83-72 panalo kahapon sa simula ng Final Four round ng NCAA Season 93 junior basketball tournament sa MOA Arena.

Nagtala ng game- high 27 puntos si Joel Cagulangan, kabilang ang 12 sa first canto upang pangunahan ang Junior Blazers sa paggapi sa topseed Red Cubs.

Nag- ambag naman ng 17 puntos si Joshua Marcos habang nagdagdag ng tig-11 puntos sina Jacob Lao at Inand Fornillos para sa nasabing panalo na pumuwersa ng winner take all match kontra Red Cubs sa darating na Nobyembre 7 sa parehas ding venue.

“We’re in a quest, we’re on a mission,” pahayag ni Junior Blazers coach Marvin Bienvenida. “We really want something and hope it continues in the coming games. “

Pinangunah­an naman ni Germy Mahinay ang losing cause ng dating 7-time juniors champion sa ipinoste nitong 13-puntos kasunod si Evan Nelle na nagtala ng 11-puntos.

Bagama’t nagawa nitong mapuwersa ang LSGH sa 21 turnovers kumpara sa itinala nilang 13 errors, ang pagiging maalat nila sa field ang naging dahilan ng kabiguan ng Taytaybase­d dribblers na nagtala lamang ng 36.49 percent field goal shooting matapos makapagbus­lo ng 27 mula sa kanilang 74 na attempts kumpara sa 29 out of 63 ng LSGH na may katumbas na 46.03 percent.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines