Balita

R25- M smuggled goods nasabat ng Customs

- Betheena Kae Unite

Nasabat ang P25- milyon halaga ng smuggled goods mula sa apat na bansa sa Asya sa Manila Internatio­nal Container Port (MICP), inihayag kahapon ng Bureau of Customs (BoC).

Sa pag-iinspeksiy­on sa mga container, ilang agricultur­al products, alak, auto at aircraft parts, at iba pang general merchandis­e ang nakumpiska, ayon kay Customs Commission­er Isidro Lapeña.

Labing- isang shipment ang hinarang sa port dahil sa misdeclara­tion at kawalan ng mga permit, ayon kay MICP District Collector, Atty. Ruby Alameda.

Ang mga nakumpiska­ng produkto ay mula sa China, Vietnam, Singapore, at Guam, dagdag pa ni Alameda.

Ang dalawang shipment, na naka-consign sa JJTS Internatio­nal Trading, ay idineklara­ng woven pile fabrics ngunit natuklasan­g naglalaman ng sibuyas.

Apat pang shipment na idineklara­ng tela at LED lamps ang nadiskubre­ng naglalaman ng auto parts, glue machanier, peking duck, tissue at sibuyas. Ang lahat ng shipment ay iprinoseso ng customs broker na si Toni Rose Amoyen.

Isa pang shipment ang idineklara­ng sariwang peras at mansanas na naka-consign sa Malaya Multipurpo­se Cooperativ­e at iprinoseso ni Mary Faith Duran Miro, ang nadiskubre­ng naglalaman ng mga sibuyas at carrots.

Ang mga shipment na idineklara­ng bags, plastic films, fabrics, at papel na consigned sa Zafari Trading ay nadiskubre­ng naglalaman ng raw tobacco at sigarilyo. Ito ay iprinoseso ni Christian Pacheco dela Cruz.

Nakumpiska rin ang mga naglalaman ng liquors distilled spirits sa halip na liquors at still wines, na iprinoseso ni Norhata Macabato at naka-consign sa Sphere Tucan Enterprise.

Natagpuan naman ang mga gamit ng aircraft at parts sa ibang kargamento na iprinoseso ni Enriquez at consigned sa Greenfive Trading Corporatio­n na nagdeklara lamang na aluminum waste at scrap.

Iniutos ni Lapeña na ang lahat ng kargamento ay isailalim sa seizure at forfeiture proceeding­s sa paglabag sa mga probisyon ng Customs Modernizat­ion and Tariff Act (CMTA).

Matapos ang forfeiture proceeding­s, ang mga general merchandis­e, fabrics at mga auto parts ay isusubasta sa publiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines