Balita

Miguel Tanfelix, nanalo ng SUV at R329K

- Ni LITO T. MAÑAGO

SI Miguel Tanfelix ang itinanghal na kauna- unahang Videoke Champion nitong nagdaang linggo sa musical game show na All-Star Videoke ng GMA Network. Naiuwi ng Kapuso heartthrob at favorite leading man ni Bianca Umali ang isang brand new SUV at ang cash prize na naipon sa BankOke na nagkakahal­aga ng P329K nang makumpleto niya ang final song sa kanilang one-on-one ng weekly winnner na si DJ Chris Tsuper.

Ang winning song ng teen actor ay Prize Tag na pinasikat ng English singer at songwriter na siJessie J.

Sampung letra o phrase ang nakatakip na kailangang maperfect ni Miguel para maiuwi ang Super-Oke prize ng programa. Mabilis din siyang pumindot ng buzzer at tila hindi man lang nabigyan ng pagkakatao­ng makakanta ang kanyang kalaban.

Ang nakakatuwa, non-singer si Miguel. Katunayan, may mga pagkakatao­ng nawawala siya sa tono pero talaga namang magaling siyang manghula ng mga nakatagong letra ng kanta.

Huli naming nakausap sa set ng All-Star Videoke si

Miguel noong katatapos lang niyang talunin si Sheena Halili na weekly winner ng show na hinohost nina Solenn Heussaff atBetong Sumaya.

“Sobrang nakakaba po and everytime na nananalo po ako, nangingini­g ‘yung kalamnan ko. Hindi talaga ako makapaniwa­la,” excited na kuwento ng bagets sa kanyang karanasan sa programa. “Nahirapan ako sa kanta ng Air

Supply ( All Out Of Love), lima lang po ‘yung tinamaan ko out of 10 na pinahulaan sa akin,” sambit pa ng aktor. “Pero sa last week, dalawa lang ‘yung mali, walo ‘yung tama. ‘Tapos ‘yung first week ko, dalawa lang ‘yung mali ko.

“Nu’ng first time, sabi ko, ako na ‘ yung unang mahuhulog dito pero unexpected­ly, heto nasa fourth week na po ako. Feeling ko, blessings din po, eh,” pagbabalik-tanaw ng binata. Agad namang ibinigay nina Solenn at Betong ang susi ng napanaluna­ng SUV at agad ding sumakay dito ang former Starstruck Kidsfinali­st.

Hindi man certified singer o recording artist si Miguel, pinatunaya­n niya na kayang-kaya rin niyang bumanat ng kanta. Bukod sa mahusay umarte, lodi at petmalu rin siya pagdating sa kantahan

 ??  ?? Miguel
Miguel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines