Balita

Scarlett Johansson, naiyak sa sinapit ng mga kamag-anak na Jewish

- Cover Media

NAPAIYAK si Scarlett Johansson nang malaman na isang malayong kamag-anak ang namatay noong World War II, sa isang genealogy TV show.

Lumabas ang bituin ng Avengers sa upcoming episode ng Finding Your Roots at sa sneak peek, nalaman ni Scarlett na ang kapatid na lalaki ng kanyang Jewish great-grandfathe­r ay namatay sa Warsaw Ghetto noong digmaan.

Ang ghetto ay inilarawan­g “a 1.3-square mile area sealed off from the rest of the city, where authoritie­s forced all of the city’s Jewish residents to live”, at natuklasan ng aktres na ang mga kondisyon dito ay “squalid” sa mahigit 400,000 Jews na naniniraha­n nang panahong iyon.

Gayunman, 20,000 lamang ang nabuhay, ayon sa researcher­s ng PBS, ang network sa likod ng show.

“Wow, that’s sad,” sabi ng aktres na nilalabana­n ang pagpatak ng luha nang malaman na ilang miyermbro ng kanyang pamilya ang namatay sa ghetto. “And I promised myself I wouldn’t cry. But it’s hard not to.”

Ang great-grandfathe­r ni Scarlett ay isang grocer sa New York noong panahon ng digmaan, ngunit ang kapatid na lalaki nito ay naiwan sa Poland.

“I mean, you really couldn’t imagine the horror,” patuloy niya. “It’s just so crazy to imagine...

It’s crazy to imagine that Saul would be on the other side selling bananas on Ludlow Street. And how different it would be being in America at that time. The fate of one brother versus the other.”

Nalaman din ng 32-year-old star sa show ang marami pang bagay tungkol sa Danish relatives ng kanyang ama, ngunit ipinaliwan­ag niya na ang marinig ang istorya tungkol sa pinagmulan ng pamilya ng kanyang ina ay nagbigay sa kanyang pakiramdam na mas konektado sa kanila. “It makes me feel more deeply connected to that side of myself, that side of my family,” aniya. “I didn’t expect that.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines