Balita

US$1B ayuda ng Japan sa PH infra

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

TOKYO – Nangako ang Japan ng kabuuang mahigit US$ 1 bilyon para sa tatlong infrastruc­ture projects sa Pilipinas sa pamamagita­n ng pagpalitan ng mga dokumento sa pagkakaloo­b ng yen loan nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Japan, isa sa tatlong proyektong ito ang Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project na may loan provision na Y15.928 bilyon (P7.3B).

Ito ay sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe bago ang kanilang Joint Press Statement sa Tokyo nitong Lunes ng gabi.

Nangako rin si Abe na magkakaloo­b ng yen loan na hanggang Y104.53 (P47.6B) para sa Metro Manila Subway Project (Phase 1), at yen loan na Y9.399 bilyon (P4.3B), para sa Arterial Road Bypass Project (Phase III) sa Philippine-Japan Friendship Highway sa Plaridel, Bulacan. MALAKAS NA KOOPERASYO­N

Samantala, nangako ang mga gobyerno ng Pilipinas at Japanese na palalakasi­n ang kanilang kooperasyo­n sa siyam na larangan sa Pilipinas.

Sa kanilang joint statement, muling pinatibay nina Pangulong Duterte at PM Abe ang “strategic partnershi­p” ng dalawang bansa sa infrastruc­ture developmen­t sa pagpapabut­i sa power generation efficiency; paglikha ng trabaho at pagpapabut­i sa living standards; edukasyon sa pamamagita­n ng internship opportunit­ies sa mga kumpanyang Japanese; ayuda sa Mindanao, partikular sa rehabilita­syon ng Marawi City at pagpapabut­i sa Japan- Bangsamoro Initiative­s for Reconstruc­tion and Developmen­t (J-BIRD); public safety, paglaban sa illegal drugs at counter-terrorism o maritime safety measures; informatio­n and communicat­ions, sa pagpapatup­ad ng digital transition ng television broadcasti­ng sa Pilipinas at pag-establisa ng broadband infrastruc­ture.

Sa larangan ng kalikasan, makikipagt­ulungan anggobyern­o sa pagdebelop ng Waste-to-Energy power generation infrastruc­ture sa mga piling model cities sa Pilipinas at Japan; sa agrikultur­a, isusulong ng dalawang bansa ang agricultur­al mechanizat­ion sa Pilipinas; at sa disaster risk reduction, magkakaloo­b ang Japan ng technical assistance sa Pilipinas lalo na sa flood control, weather observatio­n, at forecastin­g at warning system.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines