Balita

Kabaong at urn puwedeng i-donate

LIBRE PARA SA MAHIHIRAP

- Leslie Ann G. Aquino

Iilan lang marahil ang nakaaalam nito, subalit matagal nang tumatangga­p ang Caritas Manila ng mga kabaong at urn bilang donasyon para sa mahihirap.

Sinabi ni Caritas Manila Executive Director Father Anton Pascual na tumatangga­p sila ng mga kabaong, bago man o segundaman­o, gayundin ng mga urn, para sa mahihirap, sa pamamagita­n ng Caritas Damayan program.

“Caritas Manila is accepting coffins and urns as donation to help the poor who are financiall­y incapable of burying their dead,” sinabi ni Pascual sa isang panayam.

Aniya, sa kasalukuya­n ay mayroon nang 50 kabaong na nai-donate ng iba’t ibang indibiduwa­l sa Caritas.

Sinabi ng pari na ang mga nasabing kabaong ay gawa sa iba’t ibang materyales, gaya ng kahoy, bakal, at stainless.

“There are those who donated urns but many donated coffins,” ani Pascual.

Ayon kay Pascual, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Caritas ang mahihirap na walang pambili ng kabaong o urn para sa kanilang yumao.

“All they need to do is call us. Caritas Manila also helps the poor in burying their dead. We have a partnershi­p with Catholic cemeteries such as La Loma Cemetery for that,” dagdag pa ni Pascual. “More or less our budget for the burial of the dead is P5,000 to P10,000.”

Aniya, kumpleto na sa libreng misa para sa yumao ang ayudang kaloob ng Caritas.

“The social services developmen­t ministry of the parish will be the ones to screen if these are indigent families in need of help in burying their dead,” paglilinaw ni Pascual. “This is part of our corporal works of mercy, to bury the dead.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines