Balita

Mosyon ni Honasan, ibinasura

- Czarina Nicole O. Ong

Tinanggiha­n ng Sandiganba­yan Second Division ang motion for reconsider­ation na inihain ni Senador Gregorio “Gringo” Honasan II na umaasang maalis ang kanyang warrant of arrest, maibasura ang dalawang graft charges, at maipagpali­ban ang arraignmen­t.

Nauna rito ay sinampahan si Honasan ng mga paglabag sa Section 3(e) of R.A. 3019 o ang AntiGraft and Corrupt Practices Act sdhil sa diumano’y maling paggamit ng kanyang P29.1 milyon Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) noong 2012.

Noong Agostyo 7, naglabas ang korte ng warrant of arrest laban kay Honasan matapos mapatunaya­ng may sapat na batayan para litisin siya sa dalawang kasong graft.

Kinasuhan si Honasan sa pagbigay ng kanyang PDAF sa National Council of Muslim Filipinos (NCMF) noong Abril 2012, na naglalayon­g tulungan ang small and medium-scale livelihood projects para sa mga Pilipinong Muslim sa National Capital Region (NCR) at Zambales.

Inendorso ni Honasan ang Focus Developmen­t Goals Foundation, Inc. noong Hunnyo 2012 bilang implementi­ng non-government organizati­on (NGO). Gayunman, madiskubre ng mga imbestigad­or ng Ombudsman na walang benefit of compliance sa procuremen­t regulation­s ang nasabing NGO.

Matapos masusing pag-aralan ang MR ni Honasan, nagpasya ang korte na ito ay “devoid of merit” dahil ang mga argumento niya rito ay ang pareho rin niyang argumento nang maghain siya ng pagtutol noong Agotos 4, bago ang judicial determinat­ion of probable cause ng korte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines