Balita

Duterte at Abe: ‘It is a friendship more than words can describe’

- Argyll Cyrus B. Geducos

TOKYO – Matapos ang ilang buwan ng mga pormalidad na ipinakita sa kanilang Joint Press Statement, nagkaroon ng mas relaks na sandali sina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanilang hapunan nitong Lunes ng gabi.

Sa kanyang talumpati sa toast remarks sa hapunan na inihanda ni Abe, itinabi ni Duterte ang nakahandan­g talumpati para sa isang dahilan.

“I will skip two pages of my prepared speech and go to the last page because I am hungry,” ani Duterte, na ikinatuwa ng audience.

“I am going to change my writer. He is a book author not a speechwrit­er,” dagdag niya.

Sa kanyang talumpati sa Official Dinner, sinabi ni Abe napahanga siya na umani ng milyun-milyong views ang video ng pagbisita niya sa bahay ni Duterte sa Davao City noong nakaraang taon.

“The video clip featuring my stay in Davao City we put on the Prime Minister’s Facebook account page actually marked over 100 -- 1.3 million access counts, the greatest ever,” ani Abe.

“I had to confess that 90 percent of those who actually saw this web page were actually the all of the Filipino people across the globe, so only the 10 percent account for those of us in Japanese. So I would like to encourage Japanese to pay more attention to my Facebook account,” dagdag niya.

Naniwala si Abe na ang 1.3 million access counts ay testamento ng malalim, maalab, animo’y magkapamil­ya at magkapatid na pagkakaibi­gan ng Japan at Pilipinas.

Muling idiniin ng dalawang lider na higit pa sa mga opisyal na pahayag ang kanilang pagkakaibi­gan.

“It is a friendship that is held dearly and valued so much more than words can describe,” ani Duterte.

“Excellency, I will strive to keep that friendship, amity and cooperatio­n between us, our nations and our peoples going from strength to further strength,” sabi ng Pangulo kay Abe.

Pinasalama­tan ni Abe si Duterte sa pagbisita sa Japan sa kabila ng abala nitong schedule bilang Chairman ngayong taon ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN).

“So here is a message from me to those distinguis­hed guests: I owe you so much and your dedication is what made possible for us to enjoy today’s wonderful ties between Japan and the Philippine­s,” ani Abe.

“And taking this opportunit­y, I would like to extend my sincere appreciati­on and ask for your continuous support as we further develop this special relationsh­ip,” dagdag niya.

 ?? SIMEON CELI JR./PRESIDENTI­AL PHOTO ?? Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang partner na si Honeylet kasama sina Japan Prime Minister Shinzo Abe at asawang si Akie bago ang hapunan na inihanda ng Prime Minister’s Office sa Tokyo, nitong Oktubre 30, 2017.
SIMEON CELI JR./PRESIDENTI­AL PHOTO Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang partner na si Honeylet kasama sina Japan Prime Minister Shinzo Abe at asawang si Akie bago ang hapunan na inihanda ng Prime Minister’s Office sa Tokyo, nitong Oktubre 30, 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines