Balita

Sunog sa Taguig, Pasay dahil sa faulty electrical wiring

- Bella Gamotea

Problema sa kuryente ang sinasabing sanhi ng sunog sa Taguig at Pasay City, iniulat kahapon ng Southern Police District (SPD).

Sa inisyal na ulat ni Fire Chief Insp. Severino Sevilla, ng Taguig City Fire Department, nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ni Cristina Santos Dela Pena, nasa hustong gulang, sa Daang Hari Street, Purok 4, Tuktukan ng nasabing lungsod, dakong 2:00 ng madaling araw.

Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng naturang bahay at masuwerten­g hindi nadamay ang mga katabing bahay sa maagap na pagrespond­e ng mga pamatay sunog.

Tuluyang naapula ang apoy pagsapit ng 3:00 ng madaling araw at walang iniulat na nasaktan sa insidente.

Tinataya namang aabot sa P300,000 halaga ang mga natupok na ari-arian habang electrical failure ang nakitang sanhi ng insidente.

Samantala, unang sumiklab ang sunog sa tatlong palapag na residentia­l building ni Maria Lorena Lagmay, sa No. 2304 Saint John St., Barangay 186 Maricaban, Pasay City, dakong 8:10 ng gabi nitong Lunes.

Agad rumesponde ang anim na fire truck ng Central Fire Station ng Pasay City, sa pangunguna ni Chief Operations Fire Insp. Mark Christophe­r Pila, at naapula ang apoy dakong ng 8:40 ng gabi.

Aniya, faulty electrical wiring mula sa napabayaan­g refrigerat­or unit ang nakitang sanhi ng sunog at tinatayang aabot sa P20,000 ang halaga ng mga naabong ari-arian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines