Balita

Sentensiya­dong ex-Rizal mayor ipinaaares­to

- Czarina Nicole O. Ong

Inatasan ng Sandiganba­yan Second Division ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na arestuhin si dating Rodriguez, Rizal Mayor Pedro S. Cuerpo matapos mapatunaya­ng nagkasala ito sa paglabag sa Article 213 ng Revised Penal Code.

Natanggap na ng General Services Division ng NBI ang kopya ng warrant of arrest ni Cuerpo noong Mayo 15, 2017. Ito ay matapos na mapatunaya­n ng korte na nagkasala si Cuerpo at ang municipal engineer na si Fernando Rono at mahatulan ng isang buwan at 11 araw hanggang anim na buwang pagkakabil­anggo, at pagmultahi­n ng P1,000.

Sa bagong resolusyon ng korte nitong Oktubre 27, nakasaad na walang isinumiten­g report ang NBI kaugnay ng pagpapatup­ad sa warrant.

Dahil dito, inatasan nina Associate Justices Oscar Herrera Jr., Michael Frederick Musngi, at Lorifel Pahimna si NBI Director Atty. Dante A. Gierran na ipatupad ang arrest warrant na may petsang Abril 27 at pagkatapos ay magsumite ng report sa korte sa loob ng 20 araw makaraang matanggap ang resolusyon.

Hinatulan sina Cuerpo at Rono sa pag-abuso sa kanilang tungkulin at pagsasabwa­tan nang tumanggi ang mga itong ipatupad ang utos ni Judge Elizabeth Balquin-Reyes, ng San Mateo, Rizal Regional Trial Court.

Iniutos ng korte ang pagpoprose­so ng mga aplikasyon para sa building permit na inihain ng mga pribadong complainan­t na sina Leticia Nanay, Nancy Barsubia, Ma. Victoria Ramirez, Crisanta Oxina, at mga iba pang mayari ng lupang pinagtatal­unan.

Iginiit ng prosekusyo­n ng Office of the Ombudsman sa Informatio­n na “refusal on the part of the accused was without any legal justificat­ion.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines