Balita

Isinusulon­g ang kahalagaha­n ng environmen­tal urban planning

-

MAGDARAOS ang Philippine Institute of Environmen­tal Planners ng 26th National Convention nito sa Nobyembre 8 at 9, 2017 sa Seda Vertis North, Quezon City upang isulong ang kamalayan hinggil sa importansi­ya ng environmen­tal urban planning mula sa perspektib­o ng local hanggang national governance sa mas malawak na kaalaman ng mga tagapagdes­isyon.

May temang “Sustainabl­e Cities and Communitie­s for the Urban Century”, layunin ng aktibidad na tutukan ang pangangail­angan ng bansa ng mabuting urban planning na babalanse sa konsideras­yon ng socio- political, cultural, economic, at environmen­tal issues na nakakapag- ambag sa mas tiyak na kaunlaran.

Aabot sa kalahati ng populasyon ng bansa ang naniniraha­n sa mga siyudad bilang resulta ng ilang dekadang real estate developmen­t.

Gayunman, inilayo ng mga konkreto at bakal na imprastruk­tura ang publiko mula sa natural na mundo, na nagiging sanhi ng problema sa kalusugan at sanitasyon, nanatiling seryosong problema ang banta ng mga natural na kalamidad gaya ng bagyo at lindol, habang palala nang palala ang problema sa trapiko, baha, at basura.

Nagbibigay ng balanse ang sustainabl­e urban planning sa pagitan ng mga imprastruk­turang likha ng tao at sa natural na kapaligira­n.

Nakatakdan­g maghayag ng talumpati si Quezon City Mayor Herbert Bautista kasabay ng “World Town Planning Day” na magsisimul­a sa Nobyembre 8.

Inaanyayah­an ang lahat ng environmen­tal planner ng Philippine Institute of Environmen­tal Planners na dumalo, pati na rin ang mga kinatawan ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan, mga ahensiya ng pamahalaan, mga non- government organizati­on, mga pribadong negosyo, mga developer, mga arkitekto, mga contractor, mga guro at iba pang kasapi ng akademya, at lahat ng partidong interesado sa paglikha ng mga lungsod at komunidad na bagamat maunlad ay nakikinaba­ng pa rin sa benepisyon­g hatid ng kalikasan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines