Balita

MABUTING BALITA

-

Pag 7:2-4, 9-14 ● Slm 24 ● 1 Jn 3:1-3 ● Mt 5:1-12a

Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila:

“Mapapalad ang mga may diwa ng dukha

sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhaw­ahin sila. Mapapalad ang mga di marahas sapagkat mapapasaka­nila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila. Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapapalad ang mga nagpupunya­gi para sa kapayapaan

sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag- uusig at sinisiraan­g-puri dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpala­ng nasa Diyos para sa inyo.

Ganito rin pinag-usig ang Mga Propetang nauna sa inyo.”

PAGSASADIW­A:

Mapapalad ang mga may diwa ng dukha.— Bakit sa “walong kapalarang banal” ay nauuna ang karukhaan? Maliwanag ang dahilan. Ang karukhaan ay ugat at batayan ng iba pang kapalaran. Ang isang dukha ay walang ibang inaasahan at sinasandig­an kundi ang Diyos at mga bagay na maka-Diyos.

Kapag dukha ka at malapit sa Diyos, taglay mo ang pusong maawain, busilak, mapayapa, at hindi marahas. Madali mong matatangga­p ang pagluluksa, paguusig, pagkagutom, at pagkauhaw sa katarungan. Ganyan ang mga anawim sa Matandang Tipan. Ganyan din ang mga santo at santa sa Langit na ating pinararang­alan sa araw na ito. May pagkakatao­n pa tayo upang tularan sila. Kung tayo ay magiging dukha sa diwa, ituturing din tayong mga mapapalad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines