Balita

Pagpatay sa Surigao broadcaste­r, hamon sa PTFoMS

- Dave M. Veridiano, E.E.

MALAKING hamon sa kakayahang mag- imbestiga sa kaso ng napapatay na mga mamamahaya­g, na nakaatang sa Presidenti­al Task Force on Media Security (PTFoMS), ang pagpatay sa isang broadcaste­r sa Surigao del Sur nito lamang nakaraang linggo.

Ang masakit pa rito, ang pananamban­g noong Martes ng gabi sa 29-anyos na broadcaste­r na si Christophe­r Ivan Lozada, ng dxBF Prime Broadcasti­ng network radio station na nakabase Bislig City, ay naganap bago pa man natanggap ng alkalde na itinuturin­g na pangunahin­g “utak sa pagpatay” –ang sulat ng PTFoMS na nag-uutos dito na itigil na ang pagti-text ng mga banta kay Lozada.

Sa takbo ng imbestigas­iyon, simula nang tumutok dito ang PTFoMS, mukhang may paglalagya­n si Bislig City Mayor Librado Navarro na napag- alaman na umano’y may “matinding sama ng loob” kay Lozada. Bukod pa ito sa tatlong libel na isinampa ni Mayor Navarro laban kay Lozada kaugnay ng mga pagbatikos sa kanya sa programa nito sa radyo. Todo-tanggi naman si Mayor Navarro sa bintang: “I can hold my head up high and say I am innocent and my conscience is clear. He is like a son to me.”

At kapag lumitaw sa imbestigas­yon ng PTFoMS na may kinalaman sa propesyon ang pagpatay kay Lozada, siya ang ikalimang mamamahaya­g na pinatay sa ilalim ng administra­syon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte at ika178 simula noong 1986.

Ang matindi, gaya ng nangyayari sa ibang imbestigas­yon ng mga pagpatay sa taga-media, na ang pangunahin­g suspek ay pulitiko, agad nakakuha ng 60-day TRO si Mayor Librado laban sa imbestigas­yong nagdadawit sa kanya sa kaso. Hindi ako nagtataka rito… Natural, hawak kasi nila ang lahat – mula pulis hanggang hudikatura – sa kanilang munting kaharian!

Batang EDSA si Usec Joel Sy Egco, executive director ng PTFoMS, at abot niya ang ganitong kalakaran. Kaya ‘di siya nagpatumpi­k-tumpik sa pagbuo ng isang special investigat­ion group mula sa Criminal Investigat­ion & Detection Group (CIDG) na nakabase sa Camp Crame, na ‘di kayang abutin ng “galamay” ni Mayor Navarro… Mabilis ang takbo ng imbestigas­yon kaya sinisiguro ni Usec Egco na may maaaresto at makukulong sa kasong ito, ang pagpatay sa isang aktibong miyembro ng media na ginagawa lamang ang kanyang trabaho!

Si Honey Faith Tuyco Indog, 19, ang kinakasama ni Lozada na malubhang nasugatan at nakaligtas sa ambush, ay nai-secure na ng mga operatiba at nagpapagal­ing sa isang ospital. Ang tulong sa lahat ng gastos sa ospital ay sasagutin naman ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) sa pakikipag-ugnayan ng PTFoMS. Si Honey Faith kasi ang pangunahin­g testigo sa kasong ito laban kay Mayor Navarro.

Ang kasamahan naman ni Lazada sa Prime Broadcasti­ng Network ay binibigyan din ng proteksiyo­n ng mga operatiba mula sa Task Force Usig na umalalay sa nag-iimbestiga sa kasong ito.

Kaugnay nito, sinabi ni Usec Egco na magpapalab­as sila ng “Security Protocol” para sa mga aktibong mamamahaya­g sa buong bansa, na magbibigay ng mga paunang kaalaman para sa personal na seguridad ng mga ito. Lalo na roon sa nakatatang­gap ng “death threats” sa pamamagita­n ng text, tawag sa cell phone, telepono, email at iba pang pamamaraan ng mga taong alam nilang may matinding sama ng loob sa kanila.

Ang pagpatay kay Lozada ay mariing kinondena ng National Union of Journalist of the Philippine­s (NUJP) at ng pamunuan ng National Press Club (NPC) na kapwa kumakalamp­ag sa awtoridad, lalo na sa PTFoMS, upang mabigyan nang mabilisang hustisya ang kabaro nilang biktima ng karahasang tulad nito.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@journalist. com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines