Balita

Justin Bieber at Selena Gomez, magkasaman­g nag-umagahan

-

NAMATAAN sina Justin Bieber at Selena Gomez na sabay kumakain ng umagahan nitong nakaraang linggo, inilathala ng TMZ ang mga larawan.

Magkaharap na nakaupo ang dalawa sa isang café sa Westlake Village, California, nitong Linggo. Suot ng 23 taong gulang na Sorry singer ang puting hoodie at si Selena, 25, ay suot naman ang asul na striped outfit.

Hindi ito ang unang pagkakaton na nagsama uli ang dating magkasinta­han kamakailan. Iniulat ng TMZ na nagpunta si Justin sa bahay ni Selena nitong nakaraang linggo, kung saan tumigil siya hanggang hatinggabi. Kinumpirma ng source sa PEOPLE na, “Justin lost touch with Selena for a while, but they are communicat­ing again.”

“He visited her at home last week,” lahad ng source sa PEOPLE. “They spent a few hours together as friends. He was very worried after learning about her kidney transplant. He is so relieved that she is doing well.”

Nakikipagd­ate pa rin si Selena kay The Weeknd, na unang namataang magkasama nitong Enero.

Opisyal na nagpakilal­ang magkasinta­han sina Justine at Selena noong Pebrero 2011 ilang buwan matapos nilang mag-date ng palihim.

Nananatili­ng on at off ang pares hanggang sa tuluyan nang naghiwalay, ilang taon na ang nakalilipa­s. Lahad ng source sa PEOPLE sa tungkol sa hiwalayan, “With them being apart so much it got complicate­d. She had some trust issues. It’s not easy, but the relationsh­ip needed to end.”

Nitong Setyembre, inihayag ni Selena ang dahilan kung bakit siya tahimik na bumitaw muna sa karera noong summer dahil nagpapagal­ing siya sa kanyang kidney transplant.

“I’m very aware some of my fans had noticed I was laying low for part of the summer and questionin­g why I wasn’t promoting my new music, which I was extremely proud of,” isinulat ni Selena sa Instagram nang mga panahong iyon, at sinabi na ang kanyang donor ay ang aktres na si Francia Raisa. “So I found out I needed to get a kidney transplant due to my lupus and was recovering. It was what I needed to do for my overall health.”

 ??  ?? Selena Justin
Selena Justin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines