Balita

LUPIT NG WARRIORS!

LA Clippers, ibinaon sa 28 puntos; five-game winning streak sa Celtics

-

LOS ANGELES (AP) — Maagap ang pagbalikwa­s ng Golden State Warriors mula sa kabiguan sa home court nang dominahin ang Los Angeles Clippers, 141-113, nitong Lunes (Martes sa Manila).

Hataw si Stephen Curry sa naiskor na 31 puntos, habang kumubra si Kevin Durant ng 19 puntos para pangunahan ang Warriors sa balanseng atake na malayong-malayo sa kabiguan nila sa Detroit Pistons nitong Linggo kung saan nagtamo sila ng 28 turnovers.

Sa pagkakatao­ng ito, walang sinayang na opensa ang Warriors (5-3) para hilahin ang dominasyon sa Clippers mula noong Christmas Day match ng 2014.

Natamo ng Clippers ( 4- 2) ang ikalawang sunod na kabiguan. Nanguna sa LA si Danilo Gallinari sa naiskor na 19 puntos, habang kumana si Lou Williams ng 17 puntos.

Naisalpak ni Curry ang pito sa 11 threepoint attempts, at may anim na assists at limang rebounds. Kumubra si Draymond Green ng 16 puntos, habang humugot si Klay Thompson ng 15 puntos.

CELTICS 108, SPURS 94 Sa Boston, pinabagsak ng Celtics, sa pangunguna ni Kyrie Irving na may 24 puntos, ang San Antonio Spurs.

Nagsalansa­n sina Jaylen Brown ng 18 puntos at Al Horford na may 13 rebounds para sa ikalimang sunod na panalo ng Boston matapos ang back-to-back na kabiguan.

Nanguna sa Spurs sina reserves Brandon Paul na may 18 puntos, habang tumipa si Rudy Gay ng 14 puntos. Muling nabigo si San Antonio coach Gregg Popovich para sa kanyang victory No. 1,155 para mapantayan sa ang marka ni Phil Jackson sa ikaanim na puwesto sa NBA’s all-time list.

Nalimitaha­n si LaMarcus Aldridge sa 11 puntos. WOLVES 125, HEAT 122 (OT) Sa Miami, naisalba ang Minnesota Timberwolv­es, sa pangunguna nina Jeff Teague at Andrew Wiggins sa naiskor na 23 at 22 puntos, ang lagablab ng Heat sa overtime.

Ratsada rin si Karl-Anthony Towns sa natipang 20 puntos at 12 rebounds, habang nag-ambag sina Jimmy Butler at Jamal Crawford ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Nanguna si Dion Waiters sa Miami sa natipang career-high 33 puntos, tampok ang 14 sa final period kabilang ang layup na nagdala sa laro sa overtime. May pagkakatao­n ang Miami para sa second overtime ngunit tumalbog lang sa rim ang kanyang buzzer-beating three-pointer.

Nag-ambag sina Kelly Olynyk at Goran Dragic ng 23 at 18 puntos para sa Miami.

MAGIC 115, PELICANS 99 Sa New Orleans, naisalpak ni Marreese Speights ang lima sa anim na threepoint­ers sa krusyal na 22-6 run para sandigan ang Orlando Magic kontra New Orleans Pelicans.

Ang ikalawang three- pointer si Speight ay nagbigay sa Magic ng 87-83 bentahe sa third quarter. Kumana siya ng apat pang long range shot sa kaagahan ng fourth period para sa 106-89 bentahe ng Orlando.

Hindi nakaganti ang Pelicans na tila may ‘hang-over’ pa sa malaking panalo kontra Cleveland Cavaliers nitong Sabado.

Umarangkad­a sina Nikola Vucevic, Evan Fournier at Jonathon Simmons sa Orlando sa naiskor na ti-20 puntos.

Nanguna si Anthony Davis sa Pelicans sa naharbat na 39 puntos at 10 rebounds, habang kumana si DeMarcus Cousins ng 12 puntos at 12 assists at tumipa si Jrue Holiday ng 11 puntos.

Sa iba pang laro, pinabagsak ng Philadelph­ia 76ers ang Houston Rockets, 115-107; ginapi ng Charlotte Hornets ang Memphis Grizzlies, 104-99; hiniya ng Mew York Knicks ang Denver Nuggets, 116110; pinalamig ng Toronto Raptors ang Portland Trail Blazers, 99-85; pinisot ng Utah Jazz ang Dallas Mavericks, 104-89.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines