Balita

Alessandra, matipid na scriptwrit­er

- Ni REGGEE BONOAN

MARAMI ang makaka- relate sa pelikulang 12 na sinulat ni

Alessandra de Rossi na nagkaroon ng advance screening sa UP Film Center of the Philippine­s noong Lunes na produced ng Viva Films.

Pinaghalon­g drama at konting comedy ang 12 na wala yatang ginawa sina Alessandra at Ivan

Padilla kundi pag- usapan ang kanilang mga problema bilang livein couple.

Sinabi noon pa ni Alessandra na ang 12 ay hindi tulad ng ibang pelikulang napapanood na maraming karakter para sangkot sa relasyon ng dalawang tao dahil ipinakita na silang dalawa lang ni Ivan ang bida.

Umikot ang kuwento ng 12 sa mga pinag-aawayan ng magkarelas­yon na nagsisimul­a sa maliit na bagay hanggang sa lumaki nang lumaki at mauwi sa hiwalayan.

Ayon sa aktres nang makausap namin noon sa presscon ng 12, experience ito ng kanyang mga kakilala’t kaibigan at mayroon din siyang konting kuwento sa naging karelasyon niya na hindi na niya tinukoy kung sino.

Makatotoha­nan ang mga nabanggit na problema ng magkarelas­yon at mas magandang panoorin na lang ito para mas magandang pag- usapan paglabas ng sinehan at tiyak na pagtatawan­an ang sarili dahil kuwento pala ito ng buhay nila.

Uncut version ang napanood naming kopya na sinadyang ipalabas sa UP Film Center para mahingan ng komento ang millennial­s at marahil kung anuman ang hindi na dapat ipakita sa pelikula ay iiklian o tatanggali­n bago ito i- submit sa Cinema Evaluation Board ( CEB) o MTRCB.

Masarap kuning writer si Alessandra dahil matipid at hindi niya masyadong pinagastos ang Viva producer na si Boss Vic del Rosario sa mamahaling location tulad ng restaurant­s, malls, scenery at coffee shops na kadalasang pinupuntah­an ng magkarelas­yon.

Naganap ang lahat ng eksena sa loob ng bahay tulad ng kuwarto, kusina, salas, garahe, banyo at iba pa. Nagtipid din sa wardrobe at stylist dahil iilang damit lang ang isinuot ng dalawang bida.

Mapapanood na ang 12 sa Nobyembre 8 mula sa direksiyon ni Dondon Santos produced ng Viva Films at ni Alessandra.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines