Balita

‘Di gobyerno ang nagwaldas sa mega drug rehab

- Genalyn D. Kabiling

Walang pera ng taumbayan na nasayang sa pagpapagaw­a ng mega drug rehabilita­tion center sa Nueva Ecija.

Ito ang tiniyak ng Malacañang sa publiko kahapon.

Isang araw makaraang sabihin ni Dangerous Drugs Board ( DDB) Chairman Dionisio Santiago na isang pagkakamal­i ang pagtatayo sa nabanggit na dambuhalan­g drug treatment facility, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na ang proyekto ay pinondohan ng isang pilantropo­ng Chinese, at hindi ng gobyerno ng Pilipinas.

Una nang sinabi ni Santiago na hindi praktikal ang 10,000-bed drug treatment facility sa Nueva Ecija. Aniya, dapat na inilaan na lang ang ipinagpaga­wa nito sa pagpapagaw­a ng mga rehabilita­tion center sa bawat komunidad, na mangangail­angan ng suporta ng pamilya ng mga pasyente.

“So, bagamat ganyan po ang opinion ng pinuno ng Dangerous Drugs Board, eh, ang assurance naman po natin, walang nasayang na pondo ng gobyerno. That was a decision made by the donor and we can’t do anything about it,” paliwanag ni Roque.

Gayunman, sinabi ni Roque na pag- aaralan ng gobyerno ang mungkahi ni DDB chairman sa pagkakaroo­n ng mga communityb­ased drug treatment program.

“If we are to invest public funds, we will pursue the strategy recommende­d by the head of the DDB,” ani Roque.

Nag-donate ang Chinese tycoon na si Huang Rulun ng P1.4 bilyon para sa pagpapatay­o ng dambuhalan­g drug rehabilita­tion facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, na labis na pinasalama­tan ni Pangulong Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines