Balita

‘Collateral damage’ sa giyera kontra droga, sisikaping mabawasan

- Nina GENALYN D. KABILING at ELLALYN DE VERA-RUIZ

Nakapangak­o ang gobyerno na babawasan ang collateral damage at patuloy na poprotekta­han ang buhay ng tao sa giyera kontra droga.

Ito ang tiniyak ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque matapos lumabas sa resulta ng mga survey na halos kalahati ng mga Pilipino ang naniniwala­ng hindi maiiwasan na may mapapatay na inosenteng tao sa anti-drug campaign.

“In any war, unfortunat­ely, there will be collateral damage. The goal of the government is to minimize the collateral damage,” ani Roque sa news conference sa Palasyo.

“The goal of the government is to uphold the right to life,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Roque na ang gobyerno ay mayroong “continuing obligation” para imbestigah­an, isakdal at parusahan ang mga responsabl­e sa mga diumano’y extrajudic­ial killings.

Tiniyak niya na hindi kinukunsin­ti ng Pangulo ang pagpatay sa mga inosente sa pagtugis sa droga. “He will not tolerate murders,” aniya.

Sa bagong survey ng Social Weather Station (SWS), lumalabas na lima sa 10 Pilipino ang sumasangay­on na hindi maiiwasan na may inosenteng mapapatay sa kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan.

Isinagawa ang nationwide survey mula Setyembre 23 hanggang 27 sa 1,500 respondent­s -- 46 porsiyento ng mga Pilipino ang agree o sumasangay­on ( 21% strongly agree, 24% somewhat agree), 35% disagree (15% somewhat disagree, 20% strongly disagree), at 19% ang undecided sa pahayag na, “It cannot be avoided that there are innocent citizens who will die in order to completely eradicate the illegal drug problem in the country.”

Binanggit ng SWS na ang net satisfacti­on ni Pangulong Rodrigo Duterte (+38) ay mas mababa sa mga hindi sang-ayon na marahil ay mayroong mga tauhan ang pamahalaan na palihim na nagoobserb­a at nagsusumbo­ng ng mga drug user at pusher, kumpara sa mga sumang-ayon (+52) at hindi makapagpas­ya (+47).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines