Balita

Roque, lilibot sa probinsiya bilang Presidenti­al spokesman

- JANSEN ROMERO Genalyn D. Kabiling at Leonel M. Abasola

Magpapatup­ad ang bagong talagang si Presidenti­al Spokesman Harry Roque ng ilang pagbabago sa kanyang trabaho sa gobyerno, kabilang ang pagdadaos ng lingguhang press conference sa Marawi City at pagkuha ng millennial bilang kanyang deputy spokesman.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Roque bilang kapalit ni dating spokesman Ernesto Abella.

Sa pagharap niya sa kanyang unang press conference sa Malacañang kahapon, inanunsiyo ni Roque ang mga plano na hahatiin ang kanyang oras sa Manila at sa probinsiya kung saan magdadaos siya ng mga panayam sa press.

Sinabi ni Roque na balak niyang bumisita sa Marawi City tuwing Miyerkules at makipagpul­ong sa ibang press corps sa mga lalawigan tuwing Biyernes upang ilapit ang gobyerno sa mamamayan.

“It’s an innovation that I thought of because the rebuilding is soon to begin and I think the people should know exactly what’s happening on the ground,” aniya. “I want to bring Malacañang to areas where, you know, attention should be devoted.”

Sinabi ni Roque na inutusan siya ni Pangulong Duterte na “do what is right for the country” at “never lie” sa kanyang bagong posisyon sa gobyerno.

At dahil posibleng hindi siya magiging available para sa mga regular na panayam sa Palasyo, sinabi ni Roque na binabalak niyang kunin ang kanyang dating law student upang maging kanyang deputy spokesman.

“Number one, I want a millennial. Number two, I want someone better looking like --than me so that the women will fall in love with him and I want someone who speaks better than me,” aniya.

Sinabi ni Roque na magkakaroo­n siya ng “independen­t office” mula sa Presidenti­al Communicat­ions Operations Office. Nangako siya na walang sisibakin na mga staff ng Palasyo ngayong Disyembre ngunit binabalak niyang dalhin ang kanyang sariling team sa Office of the Presidenti­al Spokespers­on.

Bukod sa pagiging Presidenti­al spokesman na may ranggo sa Cabinet, sinabi ni Roque na maaaring italaga rin siya bilang concurrent adviser ng Pangulo. “It’s just an advisory position that would not be incompatib­le with the Cabinet appointmen­t,” aniya.

Sinabi rin niya na hindi siya magiging kasing malumanay ni Abella, na dating pastor. Ngunit ang kanyang approach bilang tagapagsal­ita ng Pangulo ay naiiba dahil siya ay isang abogado.

“So that’s a major difference. All pronouncem­ents will be said within the proper legal context,” aniya.

Samantala, sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III na hindi na kailangang na dumaan sa Commission on Appointmen­t (CA) ang presidenti­al spokespers­on dahil wala naman itong pinatatakb­ong departamen­to.

“The Presidenti­al spokesman in my opinion need not be confirmed anymore by the CA. Presidenti­al spokesman like Presidenti­al Legal Counsel and Executive Secretary should be 100% left to the discretion of the President,” ani Pimentel.

 ??  ?? PLEASE BE GENTLE Nagdadaos ng kanyang unang press briefing ang bagong talagang si Presidenti­al Spokesman Harry Roque, sa Malacañang Palace, kahapon.
PLEASE BE GENTLE Nagdadaos ng kanyang unang press briefing ang bagong talagang si Presidenti­al Spokesman Harry Roque, sa Malacañang Palace, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines