Balita

‘Siraulo’ kinatay ng kelot

- Mary Ann Santiago

“Ang mga siraulo, pinapatay! Pinapatay!”

Ito umano ang galit na galit na tinuran ng isang ‘di pa nakikilala­ng lalaki habang naglalakad palayo sa lugar kung saan niya pinagsasak­sak at napatay ang isang 27-anyos na lalaki sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng salarin na inilarawan­g kulot ang buhok, may taas na 5’2” hanggang 5’4”, nakasuot ng itim na guhitang t-shirt at itinuturon­g pumatay kay Marvin delos Reyes, 27, ng 15th Street, Port Area, Maynila.

Sa imbestigas­yon ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section ( MPDCAPIS), naganap ang pananaksak sa tapat ng Billeza Trucking Parking area na matatagpua­n sa Fracisco Magallanes St., Manila Harbour Center, Road 10, sa Tondo, dakong 10:00 ng gabi.

Sa salaysay ni Jay-R Grifiel, 31, nagpapahin­ga siya nang marinig ang pagmamakaa­wa ng biktima at sinasabing, “Ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay!”

Sinilip umano ni Grifiel ang pinanggaga­lingan ng sigaw at nakasalubo­ng niya ang salarin na hawak pa ang duguang patalim na ginamit sa krimen.

Tinanong pa umano ni Grifiel ang suspek ng, “Boss, ano nangyari?” na sinagot naman umano nito ng, “Ang mga siraulo, pinapatay! Pinapatay!”

Dito na umano natakot si Grifiel at kumaripas palayo sa suspek.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines