Balita

Mahalagang istrikto ang ipatupad na mga regulasyon sa paggamit sa marijuana bilang lunas sa sakit

-

NAGPAHAYAG ng suporta si Ad Interim Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa paggamit ng medical cannabis sa bansa, basta kailangang alinsunod ito sa istriktong regulasyon.

“It is supposed to be for compassion­ate use, so there must be a very narrow applicabil­ity and must be strictly regulated,” sinabi ni Duque nitong Lunes.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa mga mambabatas hinggil sa teknikal na aspeto ng House of Representa­tives Bill (HB) No. 180 o ng panukalang Philippine Compassion­ate Medical Cannabis Act upang maiwasan ang pag-abuso sa paggamit ng medical marijuana.

“There are continuing consultati­ons where we provide them our technical positions in order to ensure that the final version of the law will be clear and acceptable,” ani Duque.

Sinabi niyang nais tiyakin ng Department of Health na kayang isagawa ng Food and Drug Administra­tion (FDA) ang implentasy­on ng batas kapag naipasa na ito.

“If it gets approved, the FDA must really do its mandate well, in terms of adhering to the standards of quality, safety, and efficacy, coupled with compliance with all its rules and regulation­s,” sabi pa ng kalihim.

Inaprubaha­n ang HB 180 ng lahat ng kasapi ng House committee on health noong nakaraang buwan makaraang konsulatah­in ang mga pasyente, advocacy groups, health care practition­ers, at mga eksperto sa regulasyon ng controlled substances sa paggamit ng marijuana bilang lunas sa sakit.

Sa nasabing panukala, gagamitin ang marijuana sa paggamot sa malulubhan­g sakit.

Ayon sa mga tagapagtag­uyod ng medical cannabis, maaaring magamot ng marijuana ang epileptic seizures, cancer, multiple sclerosis, pananakit, at glaucoma.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines