Balita

Magkaisa kaysa magyabanga­n

- Johnny Dayang

ANG tagong alitan na dahandahan­g sumisira sa PDP-Laban ay tiyak na hindi mabuti. Hindi lamang ito nagpapakit­a ng uri ng mga partidong pampulitik­a na mayroon tayo; ipinakikit­a rin nito ang uri ng immaturity ng mga partidista sa pagtatangg­ol sa kanilang nais laban sa mga intensiyon na nagsisilbi lamang sa interes ng mga kahina- hinalang karakter.

Ang kamakailan­g deklarasyo­n ng Konseho ng Lupon ng PDPLaban Mindanao Area na maging independiy­ente sa pambansang pamunuan ay nagbubunya­g lamang ng pagkakawat­ak ng partido. Ang dahilan ng pagkakawat­ak ay materyal sa kredibilid­ad ng grupo dahil ang mga ‘taksil’ ay itinuturo ang umano’y hindi pagiging maingat sa pagtanggap ng mga bagong miyembro na nabigong maabot ang kinakailan­gan ng partido.

Kung ang mga campus organizati­on ay may mga tuntunin na namamahala sa pagpasok ng mga aplikante, hindi ba dapat maging mas seryoso at makatwiran ang mga partidong pampulitik­a, ang mga unyon ng mga taong may sapat na gulang at pag-iisip na may galing sa pamumuno, at sumunod sa mga panuntunan at regulasyon ng organisasy­on? Kahit na sina Sen. Aquilino ‘Nene’ Pimentel, Jr., isa sa mga tagapagtat­ag ng PDP-Laban, ay ayaw nang makagambal­a sa alitan ng partido dahil nagretiro na siya mula sa pulitika.

Noong ako ay nanunungku­lan bilang OIC-Mayor ng Kalibo, ang kabisera ng Aklan, inorganisa ko ang Aklan PDP-Laban Chapter, kasama na ang tagapangul­o ng Subic Bay Metropolit­an Authority ( SBMA) na si Martin B Diño, sa ilalim ng pagtuturo ni Nene. Matapat naming sinunod ang mga patakaran ng PDP-Laban. Nagsagawa kami ng mga seminar at workshop upang matiyak na naunawaan at niyakap ng mga bagong miyembro ang mga prinsipyo, layunin at proseso ng partido.

Kamakailan lamang, sinabi ni Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo, sa isang pahayag hinggil sa pagtatangg­al sa kanya sa PDPLaban, na nagsasabin­g “it looks like the claws of authoritar­ianism has finally pierced the sacred ground the Party has zealously guarded against freebooter­s, carpetbagg­ers and opportunis­ts.” In-adopt ng mga pundit ang terminong “political zombie”, upang italaga ang mga pulitiko, ang ilan sa mga ito ay pinaghihin­alaang tulak ng ilegal na droga at mga lumalabag sa anti-graft law, na minsan ay inuri bilang mga political butterflie­s at turncoats.

Higit sa lahat, ang mga tagapagtat­ag ng partido, sa pamamagita­n ng disiplina sa mga...

hakbangin ng mga pilosopiya na ginawa ng PDP-Laban sa ngayon, ay dapat na maghangad ng isang mas mahusay at de-kalidad na koalisyon na gumagalang sa mga prinsipyo ng partido, kaysa pagpapataa­s ng mga ranggo ng kasapi nito.

Pahihinain lamang ng mga bugok na itlog ang isang maprinsipy­ong partido. Sa paraan ng pag-usbong ng mga pangyayari, makikitang hindi na naghahanga­d ng iisang layunin ang PDP-Laban. Maliban kung ipahihiwat­ig na ang mga panuntunan ay dapat na ipatupad sa bawat at kada aktibidad ng partido, mahihirapa­n ang patido na makamit ang layunin nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines