Balita

Dapat gayahin din ni Roque si DU30

- Ric Valmonte

“PERSONAL sa akin at hindi ko kailangan ipaliwanag ito,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press briefing sa Davao City kung bakit ipinalit niya si Kabayan List Rep. Harry Roque kay Ernesto Abella bilang Presidenti­al Spokespers­on. Isyu lang daw ang pagbibigay ng mensahe. Maaaring magkaiba ang kanilang salita, pero ang mahalaga ay maibibigay niya ang mensahe na nagbubuhat sa kanya, ayon sa Pangulo.

“Ang tungkulin ko,” wika naman ni Roque, “ay ipaliwanag sa taumbayan ang pananaw at mensahe ng Pangulo at ang kanyang mga ipinangako noong halalan.” Bilin daw sa kanya ay huwag siyang magsisinun­galing at sabihin lang niya ang alam niyang tama.

Hindi ko alam kung ano ang “tama” na kanyang masasabi bilang tagapagsal­ita ng Pangulo. Puwede ba siyang magsabi ng iba sa sinabi ng Pangulo kapag ito ang sa akala niya ang tama at mali ang Pangulo? Mikropono lamang siya ng Pangulo o taga-echo ng kanyang sasabihin. Mali man ang Pangulo, kahit alam niya ito, napakahira­p para sa kanya na baguhin ito at ipalit ang sa akala niya ay tama. Baka masamain ng Pangulo ito na pinalalaba­s niyang mas magaling pa siya kaysa kanya. Kung ano ang sinabi ng Pangulo, iyon na iyon.

Ang Pangulo ay hindi naniniwala sa survey. Hindi siya nagpapadal­a sa anumang damdamin ng taumbayan. Kung ano ang alam niyang makabubuti, iyon ang kanyang gagawin. Dahil, aniya, kapag inintindi mo ang survey, eh para kang punong humahapay kung saan ang direksiyon ng hangin. Hindi ito lider at hindi raw siya ganito. Sa kontekston­g ito, maaaring hindi niya nagustuhan ang serbisyo ng papalitan ni Roque na si Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella. Kasi may mga okasyong may nasabi ang Pangulo na hindi nagustuhan ng ilan sa mga nakarinig nito. Sa mahinahon at malumanay na pananalita, ipinaliwan­ag ni Abella na hindi ganoon ang gustong sabihin ng Pangulo sa kanilang narinig. Ang ipinaabot niya sa mamamayan ay iyong hindi masakit pakinggan. Binigyan niya...

ng magaan na interpreta­syon ang mabigat na winika ng Pangulo. Ginawa niyang disente at katanggap- tanggap ang mapusok at marahas na pananalita nito. At ang ginawa niyang ito, kahit paano, ay nagpahupa sa galit o inis ng mga nakarinig sa kanyang mga winika.

Dahil pinalitan ng Pangulo si Abella at ang ipinalit sa kanya ay si Roque, ninanais ng Pangulo na hindi dapat mabago ang kanyang sinabi at paliwanag kapag ipinaabot na ito sa taumbayan. Dahil abogado si Roque at matapang pang magsalita, may pananalig ang Pangulo na mangyayari ito. Kapag siya ay nagmura at nagbanta, uulitin na lang ito ni Roque.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines