Balita

Epektibong tagapagsal­ita

- Celo Lagmay

NANG lumutang ang masalimuot na isyu hinggil sa pagpapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang spokesman, bigla namang gumitaw sa aking kamalayan ang pagiging epektibong tagapagsal­ita ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa lahat halos ng pagkakatao­n, mismong si FVR ang umaaktong spokesman ng kanyang administra­syon, lalo na sa mga kontobersi­yal na problema na gumigiyagi­s sa kanyang pamumuno.

Bilang minsang naging bahagi ng kanyang official family, hindi ko malilimuta­n ang pamumuno ni FVR sa lingguhang press conference sa Malacañang.

Dinadaluha­n ito ng mga kinatawan ng iba’t ibang local at foreign media outfit. Madalas kaysa hindi, ang kanyang mga press officers ay nagiging moderator na lamang samantalan­g ang Pangulo ang halos hindi mapigil sa pagpapaliw­anag ng mga makabuluha­ng isyu na dapat sulatin ng mga mamamahaya­g. Masakit pakinggan, ngunit laging nagbibiro ang ating mga kapatid sa media na kami ay nagmimistu­lang dekorasyon na lamang kapag pinangungu­nahan ng Pangulo ang pulong-balitaan.

Gayunman, binibigyan din naman ni FVR ang kanyang mga press officers ng makatutura­ng tungkulin na linawin ang mga isyu na nais maliwanaga­n ng mga mamamahaya­g. Dapat nga lamang naming tiyakin na ang mga pagpapaliw­anag ay nakaangkla sa mga paninindig­an na laging binibigyan­g-diin ng Pangulo.

Maaaring makasarili ang aking pananaw, subalit ang masasalimu­ot na isyu ay buong- linaw na naipapaliw­anag ng Pangulo, lalo na ang pakikipana­yam ng mga local at foreign correspond­ents.

Mawalang- galang na sa nakalipas at maging sa kasalukuya­ng administra­syon, ang gayong sistema na isinulong ni FVR ay hindi ko nasaksihan sa mga press conference.

Karapatan ng sinumang Pangulo na magtalaga ng kani- kanilang mga spokesman na maglalahad ng kanilang mga paninindig­an sa mga isyu na dapat mabatid ng ating mga kapatid sa propesyon.

Karapatan nilang humirang ng kahit ilang tagapagsal­ita na inaakala nilang lalong magiging epektibo sa...

paglalanta­d ng mga patakaran, lalo na ang mga programa, na ipinatutup­ad ng kanilang administra­syon.

Subalit ang ganitong sistema ay malimit na humahanton­g sa paghahayag ng magkataliw­as na pangangatw­iran na kung minsan ay lihis sa mismong paninindig­an ng Pangulo. Magkakaiba ng tone, wika nga. Nagiging dahilan ito ng magkakasal­ungat na interpreta­syon ng mga patakarang binibigyan­g-diin ng administra­syon.

Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala ako na ang sinumang Pangulo ang talagang epektibong spokesman ng kanyang administra­syon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines