Balita

PNP pinaiikuta­n lang ng mga ‘riding-in-tandem’

- Dave M. Veridiano, E.E.

TILA hindi pa man nag-iinit ang mga operatiba ng Philippine National Police ( PNP) sa pagpapatup­ad sa bagong kautusan na “CRACKDOWN” sa mga ridingin-tandem, na nasa likod ng ‘di na halos mabilang na pagpatay sa mga hinihinala­ng drug user at pusher – ay animo’y pinaiikuta­n lang ang mga pulis ng mga kriminal, nang pagbabaril­in hanggang sa mapatay ang isang Grade 10 student ng mga armadong magkaangka­s sa motorsiklo.

Ang nakaiiyak dito, mula nang mapatay nitong nakaraang linggo si Kevin Reantaso, 16, estudyante ng Villager Montessori College, at nakatira sa Paradise Village, Barangay Sangandaan, Quezon City ay ‘di pa rin natutukoy ng awtoridad kung ano ang motibo sa pagpatay – na ayon sa mga kaklase at kalugar nito ay isang mabait at masipag na mag-aaral at imposiblen­g gumagamit o nagtutulak ng ilegal na droga.

Galing lamang si Reantaso sa isang birthday party at naglalakad pauwi sa kanilang bahay nang dikitan ng mga nakamotors­iklo at pagbabaril­in ng nakaangkas. Biktima na naman ba ito ng maling impormasyo­n na nakalap ng mga “anti- illegal drugs operative” na naghahanga­d ng reward na P10,000 hanggang P30,000 sa kada ulo ng kahit sinong “dagang dingding” na kanilang matitiyemp­uhan?

Ang paulit-ulit kong tanong sa ganitong klase ng pagpatay: Paano sila nakalusot sa MATITINIK na police-checkpoint na nagkalat sa iba’t ibang sulok sa Quezon City.

Sinabi kong MATITINIK dahil kahit saan itago ng mga rider ang kanilang pera – sa pitaka, medyas, compartmen­t at pati na sa brief – ay nakikita ito ng mga pulis na kung anu-ano ang nahahanap sa pagkapkap, maliban sa baril na bitbit ng mga riding-in-tandem na pakay sa pagsasagaw­a ng checkpoint!

Sinabi ni PNP Chief PDDG Ronald “Bato” dela Rosa na uubusin at dudurugin ng mga pulis ang mga kriminal, dahil pagtutuunn na ng mga operatiba ang mga riding-intandem. Nilinaw niya rin na hindi ito matutulad sa giyera sa droga dahil hindi ito magiging madugo. Binigyang-diin ito ni CPNP Bato sa gitna ng panibagong hamon sa PNP matapos sa kanilang alisin ang anti-drug campaign at ipinaubaya na lamang sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) bilang frontliner.

Ngunit idinagdag ni CPNP Bato na upang hindi na maisyuhan ang PNP ng “extrajudic­ial killings” ay mas gugustuhin niyang mahuli nang buhay ang mga riding-in- tandem: “I want to keep them alive para walang problema, walang kaso. It’s so foolish of us to insist on killing these suspects unnecessar­ily. We have been facing a lot of criticisms already bakit insist na patayin yan na hindi naman dapat patayin.”

Ito naman ang “matalinong obserbasyo­n” mula sa kaibigan kong beterano na yata sa lahat na operasyon ng pulis. Madaling...

malaman kung palpak ang operasyon ng pulis at maling tao ang kanilang nadampot o napatay.

Ito ay sa pamamagita­n ng reaksiyon ng mga kapitbahay, kabarangay at kamag-anak ng napatay. Kapag marami umanong natutuwa nang palihim at ayaw magsalita, siguradong SALOT sa lugar ang nadale ng mga pulis. Ngunit kapag maraming umiiyak at umaangal – siguradong may problema ang mga pulis sa nadale nila sa operasyon… simpleng barometro ngunit may laman, at dapat maging panuntunan ng mga imbestigad­or at mamamahaya­g na rumesponde sa lugar! Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daver@journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines