Balita

Kris, nagpasalam­at kay Pangulong Digong

- Ni JIMI ESCALA Luis Manzano.

PINASALAMA­TAN ni Kris Aquino sa pamagitan ng Instagram post si Pangulong Rody Duterte na nagpadala ng bulaklak sa puntod ng kanyang mga magulang na sina Ninoy at Presidente Cory Aquino.

Kasalukuya­ng nagbabakas­yon sa New York si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

“This is a simple post coming from a daugther who will always feel GRATITUDE whenever her beloved parents are shown respect. Maraming salamat po, Pangulong Duterte,” caption ni Kris sa Instagram photo kuha sa puntod ng mga magulang na may flowers mula kay Pangulong Digong.

Matatandaa­ng nabulilyas­o ‘yung interview sana noon ni Kris kay Pres. Duterte. Tumungo pa si Kris sa Davao para sa isang event pero kahit ganoon na lang ang mga pangbibira ng kasalukuya­ng Pangulo sa dating Pangulong Aquino ay ipinakita at ipinadama pa rin ng Queen of All Media ang respeto kay Pres. Digong.

Samantala, pinatunaya­ng muli ni Kris Aquino na siya pa rin ang trusted endorser ng pinakamala­laking kompanya sa bansa kahit hindi pa siya ganoon kaaktibo sa showbiz,. Si Kris ang bagong brand Ambassador ng PLDT Smart. Siya rin ang gumagawa ng webisode endorsemen­ts para sa SM at BDO.

Binuksan naman ni Kris last Sept. 29 ang kanyang bagong Chow King store sa Welcome Rotunda na bagamat nasa Quezon City ay malapit na rin sa mga taga- Maynila. Ito bale ang kanyang pangalawan­g branch ng Chowking na ang una ay ang lalong lumalakas ngayon na Chow King branch sa Alimall.

Sa pagkakaala­m namin, bago matapos ang 2017 ay magkaroon na rin ng Jollibee outlet si Kris sa sa Tarlac.

Bukod pa sa kanyang Chow King at Jollibee ay meron na ring Mang Inasal outlet si Kris sa Anonas, QC at mayroon na ring sampung Potato Corner at siyempre tuluy-tuloy pa rin ang kanyang taxi business kasosyo si

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines