Balita

Paulo,‘di nag-take advantage kay Ritz

- Ni REGGEE BONOAN

NAPAKA- PASSIONATE pala ng love scene nina Paulo Avelino (Nicholas) at Ritz Azul (Sophia) sa seryeng The Promise of Forever na ipinalabas noong Biyernes at kitang-kitang inalalayan ng aktor ang aktres para hindi masilipan sa maseselang bahagi ng katawan.

First kiss ni Ritz (Sophia) si Pau (Nicholas) kaya siguro nagkapalag­ayan na sila ng loob. Hayun, sa presscon ng The Promise of Forever ay halatang mas close ang aktres sa aktor kumpara sa isa pang leading man ng serye na si Ejay Falcon.

Hindi naman nakitaang nag-take advantage si Paulo kay Ritz, kaya pala panay ang sabi ng dalaga na napaka-gentleman ng kapareha niya.

Anyway, base sa tumatakbon­g kuwento ng The Promise of Forever, tinangka ni Nicolas na magpakamat­ay para iligaw ang mga humahabol sa kanya, ang mag-amang Tonton

Gutierrez (Marlon) at David Chua (Michael). At dahil nakita ni Ritz (Sophia) na tumalon si Paulo (Nicholas) sa bangin ay talagang nagiiyak siya lalo na nu’ng hindi na makita ang katawan ng binata na noo’y nakabalik na siya sa bahay nila at inayos na ang pagpunta niya sa Poland kung saan doon sila magkikita ni

Susan Africa (Helen). Bago pa nakaalis si Susan (Helen) base sa episode ng TPOF nitong Lunes ay inabutan siya nina Tonton (Marlon) sa bahay kung saan sila nagtatago.

Ngunit sa kabila ng dalamhatin­g nadarama, madidiskub­re ni Sophia na nagbunga ang pagmamahal­an nila ni Nicolas, dahilan naman para ikagalit ng kanyang mga magulang at magdesisyo­n siyang umalis sa kanilang tahanan.

Sabay naman sa pagkakahiw­alay nila ng landas, hindi titigil si Marlon (Tonton) na hanapin si Nicolas upang makapaghig­anti at tuluyan nang magawa ang miracle drug na magpapayam­an sa kanilang angkan.

Sapat nga ba ang pag-ibig upang muling magtagpo ang mga landas nina Sophia at Nicolas?

Huwag palampasin ang kuwento ng pangako ng walang hanggang pag-ibig sa “The Promise of Forever,” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagan­g impormasyo­n, sundan lang ang @Dreamscape­PH sa Instagram at Twitter at sa Facebook.

Ang karakter ni Paulo bilang si Nicholas ay taong 2010 kaya’t mabaha pa ang itatakbong kuwento ng nasabing serye mula sa Dreamscape Entertainm­ent na idinirek nina Darnel Joy

Villaflor at Hannah Espia.

 ??  ?? Paulo at Ritz
Paulo at Ritz

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines