Balita

Enzo na ang tawag kay Jerome Ponce

- --Reggee Bonoan

MUKHANG

napapadala­s sa sosyal na mall sina Jerome

Ponce at girlfriend na volleyball player ng Petron na si Mika Reyes dahil kakaunti lang ang tao at maraming restaurant na pagpipilia­n bago sila manood ng sine.

Nakita namin si Jerome kasama ang girlfriend na naghahanap ng makakainan at kahit nakikita sila ng ibang tao ay hindi sila iniistorbo. Iba nga kasi ang crowd sa sosyal na mall.

Nakakatuwa nga kasi may nakakilala kay Jerome na ang sabi, “Si Enzo ‘yun, ah.” Ang lakas talaga ng recall ng karakter ng aktor sa The Good Son.

Anyway, kahit public figure ang mga artista ay gusto rin nila ng ‘me time’ lalo na kung may kasama sila kapag namamasyal o kumakain sa labas dahil ito lang din ang oras nila para sa sarili.

Bagamat malaking tulong ang supporters o fans ng bawat artista para tangkiliki­n ang kani-kanilang TV/movie project bukod pa sa mga produktong iniendorso nila ay hindi naman sila nakakalimu­tang pasalamata­n ng kanilang mga idolo.

Speaking of The Good Son, nalaman ni Joseph ( Joshua Garcia) ang isa sa lihim ni Enzo dahil umamin si Demitri o Trey ( Paul Salas) na ito ang dahilan kung bakit baldado siya ngayon at kung paano niya nasaksihan nang sabihan nito ang daddy niyang si Victor ( Albert Martinez) ng, ‘I hope you die’ nang mag-away sila.

Pero nang magkakahar­ap na sina Trey, Joseph at SPO1 Colmenares ( Michael

Rivero), mariing itinanggi ng una ang mga ikinuwento niya dahil maaaring tinakot na siya nina Enzo at nanay nitong si Olivia ( Eula Valdez) na ititigil ang sustento at gastos sa pagpapa- therapy nito para muling makalakad.

Halos lahat ng mga karakter sa The Good Son ay suspect na sa pagpatay kay Victor Buenavidez kaya hot topic ito ng netizens na mahihilig sa crime stories.

Pero mukhang malabong si Enzo ang pumatay sa ama dahil kitang-kita naman ang reaksiyon niya nang aksidenten­g mahulog niya si Trey sa balkonahe, takot na takot siya na hindi niya kayang itago.

 ??  ?? Jerome
Jerome

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines