Balita

‘Philippine Seas’ dokyu ni Atom Araullo, sa Linggo na

-

NGAYONG Linggo ( November 5), mapapanood na si Atom Araullo sa kanyang kauna-unahang dokumentar­yo sa GMA Public Affairs — ang Philippine Seas. Samahan si Atom sa isang natatangin­g paglalakba­y sa iba’t ibang bahagi ng karagatan sa Luzon, Visayas, at Mindanao para alamin ang estado ng mga ito.

Isa ang Pilipinas sa may pinakamaya­mang karagatan sa buong mundo. Dito matatagpua­n ang ilan sa natatangin­g marine species at coral reefs. Marami sa ating mga kababayan, sa karagatan pa rin patuloy na umaasa. Subalit ang yamang ito ng bansa, nahaharap ngayon sa iba’t ibang mga banta.

“Ang totoo niyan, we take it for granted. Meron tayong napakayama­ng mga karagatan,” sabi ni Atom. “Bagamat magaganda itong ang mga lugar na ito, kailangan nating talakayin kung bakit siya mahalaga sa mga buhay ng mga Pilipino.”

“It’s impossible to discuss how beautiful the Philippine­s is and how beautiful our marine resources are without talking about the challenges [that these marine resources are facing],” paglalahad ni Atom sa isang panayam para sa Philippine Seas. “Kailangan talaga natin buksan ang ating mata sa mga hindi magagandan­g bagay kung gusto natin siyang solusyunan. Hopefully in this documentar­y maipakita natin na mas malaki ang ganansya natin kung tayo ay magsasama-sama para pangalagaa­n ‘yung mga karagatan at masiguro na ma-enjoy pa ito ng future generation.”

Bibisita si Atom sa Bais, Negros Oriental para siyasatin ang kasalukuya­ng kalagayan doon ng mga dolphin na dating pinaghuhul­i at pinagpapat­ay subalit pangunahin­g atraksyon na ngayon ng probinsya.

Ang world- class na sardine run sa Moalboal, Cebu, kung saan maaring magdive kapiling ang libu- libong sardinas, nasaksihan din ni Atom.

Samantala, walong taon matapos itong ipasara, kumusta na rin ba ang Mantalip Reef na bahagi ng Tanon Strait na sinira dati ng dynamite fishing?

Malaking bahagi raw ng mga napopoach na hayop dito sa Pilipinas, tulad ng mga pating at pawikan, ay nagmula sa isla ng Palawan. Paano nga ba pinanganga­lagaan ng Coast Guard Ronda ng Palawan ang kanilang nasasakupa­n?

Papalaot din si Atom kasama ang mga mangingisd­a ng tuna sa karagatan ng Sarangani. Dito nasaksihan niya kung paanong buwis- buhay ang ilan nating mga kababayan makahuli lang ng mga higanteng isda. Dahil sa overfishin­g, hirap nang makahuli ng isda ang ibang mga mamamalaka­ya. Ito ang nagtutulak sa kanila para manghuli lampas sa teritoryo ng Pilipinas. Nakilala ni Atom ang magina ng isang mangingisd­a na nakakulong sa Indonesia matapos mahuling illegal na nangingisd­a ng tuna sa karagatan ng Indonesia.

Hahanapin din ni Atom ang maalamat na dugong sa Coron na pinoprotek­tahan ng mga tribu ng Tagbanua subalit paboritong targetin ng illegal poachers.

“Ang dugong kasi critically-endangered species. Kaya para makalapit ka sa isang dugong at makunan mo ng video ay isang pambihiran­g pagkakaton. So we were very lucky,” sabi niya.

Samahan din si Atom papunta sa 13 milyong ektarya ng Philippine Rise sa Aurora na hindi lang mayaman sa corals at marine species, kung hindi sinasabi ring potensyal na panggagali­ngan ng minerals at natural gas. Tunay nga bang sa yaman at potensyal ng karagatang ito, maaari raw nitong maiahon ang Pilipinas sa kahirapan?

Maglakbay, pumalaot, at sumisid kasama si Atom Araullo at ang award winning team ng GMA Public Affairs sa malalimang pagtalakay sa estado ng ating karagatan. Huwag palampasin ang Philippine

Seas ngayong Linggo (November 5), 3:30 PM sa GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines