Balita

Colin Farrell, ibinahagi ang naranasang ‘madness’ ng pagiging durugista

-

NAGBABALA si Colin Farrell ng “violence” at “madness” na maaaring gawin ng mga lalaking hindi kayang lagpasan ang kanilang mga pangamba.

Tinalakay ng Irish actor ang kanyang mga mararahas na karanasan bago siya kusang pumasok sa rehab noong 2005 para ipagamot ang pagkalulon­g niya sa painkiller­s at recreation­al drugs.

Gumaling na siya at lumayo na sa droga, ngunit inamin ng The Lobster star na hindi pangkarani­wan ang kanyang naranasan.

“It is pretty much a garden variety tale of an addict, I suppose. And having an addiction and not knowing as a man what to do in a male- dominated society that puts worth and high value on emotions of alpha behaviour and pack mentalitie­s and such,” paliwanag niya sa pahayagang Irish Independen­t. “And it becomes carcinogen­ic. You know, if we as men don’t know how to deal with fears then it becomes carcinogen­ic. It results in violence and all sorts of madness.”

Tinalakay kung bakit humigi siya ng tulong ng eksperto, sinabi ng 41-anyos na “(I) had it” at tapos na siya sa ganoong lifestyle, at kalaunan ay hindi makahanap ng “handbrake” para mahinto na ang lahat.

Sinisikap pa rin ni Colin na malagpasan ang epekto ng kanyang habits nang magsimula siyang magtrabaho sa 2008 flick na In Bruges, inamin na siya ay “a bit of a fog” nang una niyang makilala ang director na si Martin McDonagh. Sa kabutihang- palad, nagkapalag­ayang- loob silang dalawa at kinuha siya ng direktor para magbida sa Seven Psychopath­s kasama sina Woody Harrelson, Christophe­r Walken at Sam Rockwell makalipas ang apat na taon.

Ngayon ay naniniraha­n sa Los Angeles, mayroon nang ibang paraan para magrelaks si Colin, sinabing, “I go into nature a lot, man. I go into nature a lot. I find nature pulls the steam out of you and f**ks it over its own shoulder. I go on road trips and go to the cinema and hang out with my kids.”

 ??  ?? Colin
Colin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines