Balita

Ika-67 labas

-

DAHIL nahakot na ang mga gamit, nagpasya sina Santy at Gandoy na gumawa ng botokan para maging pansamanta­lang tirahan habang ginagawa ang bahay bakasyunan ni Mang Daniel.

“Ako rin,” wika ni Santy. “Takot din sa gumagalang mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an ang dahilan kaya nangangamb­a akong matulog sa botokang ito!”

“Pero sa sitwasyon nating kinakahara­p sa pagtratrab­aho sa ipapagawan­g bahaybakas­yunan ni Mang Daniel, wala tayong magagawa kung hindi bantayan ang mga binili niyang materyales,” sagot ni Gandoy.

“Tama ka,” wika ni Gandoy. “Dahil kapag nawala ang mga ito, apektado ang pangarap nating makapunta sa Metro Manila!”

“Paano kung atakehin tayo ng asuwang?” Tanong ni Santy.

“Huwag naman sana,” sagot ni Gandoy. “Pero kung talagang gano’n ang mangyayari, gagamitin ko ang aking itak at tirador!”

“Ako rin,” sang-ayon ni Santy. “Ngunit hindi ito ang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­ang kinatataku­tan kong sasalakay sa atin mamayang gabi!” “Anong nilikha?” Tanong ni Gandoy. “Ang nilikhang tambulisli­s,” sagot ni Santy. “Dahil sa matagal na panahon, tanging ang nilikhang ito ang nababalita­ng nakikialam sa mga taong natutulog ng mahimbing sa ating barangay.”

“Okey lang kung tambulisli­s, hindi tayo madidisgra­sya, makikiliti lang at magigising sa mahimbing na pagtulog,” wika ni Gandoy.

At dahil isinaklob nina Gandoy at Santy ang ginawang botokan, bahay ng katutubong Kabihug sa mga nakaimbak na materyales para sa itatayong bahay-bakasyunan ni Mang Daniel, hindi na nila kailangang muli itong hakutin. Sa halip, inayos na lang nila ang semento, graba, bato, buhangin, hollow block at iba pang gamit sa ibabaw ng mga ito dahil doon sila matutulog pagsapit ng gabi.

Katatapos lang nila Gandoy at Santy sa pag-aayos ng materyales ng marinig nila ang sigaw ni Mang Edgardo na pinapupunt­a sila sa bahay para kumain ng gabihan kahit hindi pa lubog ang araw. Dahil gutom na, sabay naglakad sila Gandoy at Santy papunta sa bahay ni Mang Edgardo na malapit lang sa itatayong bahay-bakasyunan ni Mang Daniel. At dahil alam ni Mang Edgardo na said ang lakas ng dalawang binatilyo, masustansy­ang ulam ang niluto, nilagang karneng baboy na may papaya at dahon ng sili. Bukod sa mangkok na may ulam, naglagay siya ng mainit na sabaw sa tasa para sa kanilang apat na magsasalo sa hapunan.

“Mang Edgardo, wala pa rin ho kayong kupas bilang kusinero,” wika ni Gandoy matapos humigop ng sabaw. “Tunay na makalimot biyanan ang lasa ng sabaw ng nilagang baboy!”

“Halatadong binobola mo ako, Gandoy,” sagot ni Mang Edgardo.

“Hindi ko kayo binobola, totoong-totoo ang sinasabi ko!” Wika ni Gandoy. “Talagang masarap ang sabaw ng niluto ninyong ulam, saktong-sakto sa kasabihang makalimot- biyanan!”

“Sinabi ni Mang Edgardo na binobola mo siya dahil hindi lamang masarap ang niluto niyang ulam, kung hindi napakasara­p, higit pa sa

kasabihang makalimot biyanan,” paliwanag ni Santy.

“Mali pala talaga ang sinabi ko,” pag-amin ni Gandoy.

“Walang duda sa bagay na ‘yan,” singit ni Mang Daniel. “Talagang napakasara­p ng luto ni pare, parang sa five star hotel!”

At sa mga sumunod na sandali, naukol ang panahon nina Mang Edgardo, Mang Daniel, Gandoy at Santy sa pagkain ng gabihan kahit hindi pa lubog ang araw. Sinadya ni Mang Edgardo na magluto ng maaga para makabalik ang dalawang binatilyo sa lugar kung saan sila magtatayo ng bahay bakasyunan para doon matulog at mabantayan ang mga materyales.

Matapos ang hapunan at saglit na pahinga, naglakad ng pabalik sina Gandoy at Santy sa pagtatayua­n ng bahay-bakasyunan ni Mang Daniel kung saan nakaimbak ang mga materyales na gagamitin. Dahil sinabihan ni Mang Edgardo ang dalawang binatilyo na magdala ng mga gamit sa pagtulog, hindi naging problema kina Gandoy at Santy ang paghiga sa ibabaw ng materyales.

At tulad ng dapat asahan, pagkalat ang dilim, lumukob sa dalawa ang takot sa mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines